Tuesday, October 23, 2007
eight random things about me ( tagged by reyna elena)
so eto na ang eight random things about me
1.i keep track of all the movies i have watched sa moviehouse since birth..so far nakaka-94 na po ako..ang kauna-unahang pelikula na napanood ko sa sinehan ay ang sinungaling mong puso starring aga muhlach at vilma santos noong kindergarten pa ako.. at ang latest ay ang lalake sa parola with misis jhey sa up film institute..
2.i love coffee pero gusto ko yng instant coffee lang..wala kasi akong pang-istarbaks eh at nasasayangan ako sa anda, pwede nang ipamboys iyon..chos! basta kapag gising ko, kahit pa hapon ako magising ay dapat na magkape ako basta i cant last a day without coffee
3.isa pang love ko ang geography..kaya kong i-locate ang lahat ng bansa maging territories at dependencies sa mundo..kabisado k orin bawat capital nila by heart..kaya ko i-recite ang 50 states of america and provinces of the philippines pati mga capitals nila..hahaha.
4. mahilig ako sa showbiz at hilig ko ring pansinin ang mga artistang di napapansin..yung tipong parating character roles at also starring lang..kaya halos kilala ko lahat mga showbiz artista here sa pinas..OC ako pagdating dun eh yun tipong i cannot leave the moviehouse hanggat di ko natatapos yung end credits para malaman ko kung sino yung gumanap sa role na ganito..
5. super mahal ko ang fashion at nais kong maging part ng fashion industry one day..pwedeng designer, stylist, fashion director, o may-ari ng modeling agency o fashion merchandiser o kahit model..basta pangarap ko talaga iyon kasi na-aamaze ako sa glam ng fashion world..
6.super love ko ang music pero mas gusto ko yung tipong ethnic at world at mga classic opm..ayoko nakikisabay sa uso kaya di ako nahihiya na aminin na gusto ko ang aegis, asin, dulce, basil valdez, apo hiking society, bayang barrios, joey ayala at grace nono..
7. isa pang hilig ko ang mga dokyumentaryo..habit ko na intayin ang i-witness, probe at correspondents kahit super late na..very touching kasi yung mga story nila at sumasalamin sa realidad at totoong buhay..marami pang kapupulutang aral..
8.frustrated writer ako at one day pangarap kong makagawa ng pelikula ko na kapupulutan ng aral..gusto kong mga tema ay yung may family values, nagpapakita ng pagiging pinoy, kultura at yung sumasalamin sa ordinaryong buhay ng isang tao like a farmer or fisherman tapos dapat feel good movie siya..
ayan na po..tapos na ang aking eight random things about me..im tagging no one kasi kung gustong gumawa nito, go lang hehehe..ciao and happy fiesta!
Tuesday, October 16, 2007
tuklasin ang aming baryo

ibang-iba ang aliaga sa kamaynilaan, dito ay simple lamang ang buhay at kahit mahirap ang mga tao ay masaya pa rin..sa sitio kaingin, barangay san juan ang lugar namin..dito ang mga magkakapitbahay ay halos pamilya na ang turingan at parating nagtutulungan..sa bakuran namin marami kaming tanim na mga puno..may santol, kamatsile, mangga, niyog, sampalok, bayabas, papaya, duhat, aratiles, saging, kaimito at mga puno ng kasuy na ako mismo ang nagtanim..may mga gulay ring tanim ang lolo't lola ko tulad ng gabi, malunggay, kangkong, pandan, sitaw, bataw, talong, kalabasa at ampalaya..maging mga tanim na bulaklak ng kamia ay meron ako kung saan ay iniaalay ko ang mahalimuyak nitong mga bulaklak sa mahal na birheng maria..
ang lola ko ay may alagang mga manok at maging mga baboy kaya may nakakatay kami tuwing may okasyon..ang kapitbahay naman namin ay may kalabaw na nagagatasan kaya't tuwing umaga ay sariwang gatas ang bumubulaga sa almusal..iba't ibang isda rin ang nakukuha sa ilog at mga sapa tulad ng hito, dalag, tilapya at mga kuhol, hipon at talangka..
tuwing anihan ay masasaya ang mga tao, tila pista dahil marami na namang pera ang kikitain..lahat ng tao ay abala sa kabukiran, yun nga lang madalas ipambabayad din nila ang kanilang kikitain sa mga utang..ang lolo't lola ko ay may kapirasong lupa na tinataniman ng palay kaya tuwing anihan ay kumikita kami..yun nga lang, di ko naranasan na magtanim o gumapas ng palay dahil nga sosyal ako..chos!
mahal na mahal ko ang bayan ng aliaga, kahit saan man ako magpunta ay hinding-hindi ko ito pagapapalit sa anumang lugar..ito ang humubog sa aking pagkatao, siya ang naging saksi sa aking pamumukadkad..marami akong pangarap para sa bayan ko gaya ng gawin itong fashion capital of the philippines kung saan ang mga tao ay naka jimmy choos, blahnik, seven jeans, hermes, lv at kung anu-ano pa..malay mo di ba? hahaha..eksayted na akong umuwi at magmaganda sa aming baryo..
Thursday, October 11, 2007
haggard
walang pasok ngayon kaya pahinga muna pero oops mamaya ay rebyu rebyu drama naman para sa philippine government and constitution at may presentation pa kami sa esthetics na poetry reading with music inspired by the painting that we chose..taray..
pero syempre naman, maraming pagsubok ang aming dinanas nitong mga nakaraang araw..uso kasi yun pag huling linggo ng semestre lalo pa sa college of fine arts and design kung saan sinusubok ang styudents..i saw dat coming na pero di ko akalain na ganun kahirap..panu ba naman kasi, natututo na akong maging organized ngayon at gumawa ng sked pero di mo talaga maiiwasan ang mga aberya, uso pala talaga iyon..haay buhay
nagsimula ang haggard moments noong nakaraang sabado, panic mode at paranoid galore na ang lola niyo pati mga kagrupo ko dahil sa punyetang pakshet na textile design..ang aming finals kasi ay magpaprint ng napiling designs at ipatahi ang mga end products like bags, shorts and other garments na magsusuit sa designs namen..so wala kami mahanap na printing chuvaness basta in short dami daming problems na umaatake plus nag-iinit na din ang aming mga ulo pero ako talaga ay pinipigilan ko dahil naniniwala ako na "di masosolusyonan ang anumang problems sa init ng ulo"..
lunes ay tumungo ako kina itlog, ay dabest itong si itlog, may-i-post ako about her next time..so yun nga, sleepover ang drama ko sa kanila para gumawa ng mga dapat gawin..noong linggo kasi ay tinapos ko na ang composition plate ko which is a painting of palawan map (i got 86, minadali ko lang kasi)..at tinapos ko din ang synopsis ng dokyu namin plus conceptualization ng mga ads kong nabengga ni madam recto..so buong gabi ng lunes ay ginawa ko iyon kina itlog at pati na rin martes ng buong araw..nung araw ding iyon nabengga ang aking designs
miyerkules ay balik ako kina itlog pero bago iyon ay naghanap muna ako ng patahian para sa shorts at towel with our printed design..syempre hanap ako ng mura dahil nauubos na mga salapi namin sa dami ng gastos..pagkatapos ay hinanap ko si joshua para iparinig ang downloaded music na gagamitin para sa dokyu namin na entitled "buhay basahan" about kids na nagpupunas ng paa ng mga jeepney commuters at pati mga vendors ng basahan..nauna na kami kina itlog dahil syempre parang bahay na rin namin iyon..nagdefrag muna sya ng laptop ni itlog kaya't natagalan kami..kina itlog kami gumawa dahil sira ang pc ni josh at walang laptop na available sa mga kagrupo ko..eh kung may laptop lang ako eh..so yun nga, may problem sa ipod, di macopy yung music kaya nirecord sa digicam habang pinapatugtog sa laptop, nagvoice over din para sa dokyu at nag-edit ng konti..pagkatapos ay umuwi na si josh, i stayed kina itlog para gawin ang visual merchandising finals ko na floor plan at four perspective ng dream shop ko na "rainbows are gay"..so wala talagang tulugan, mga 2 hours lang..5:30 am-7:30 am tapos back to work muli..
ang editing ng dokyu namin, pagkagising ko ay di pa daw tapos so tinext ko mga kagrupo ko at nagmamaldita na ko ng konti dahil one week ago pa binigay ang video para iedit tapos ay di pa din tapos, ayoko nga yung nagpapanic kaya tinapos namin agad ang shoot tapos biglang ganun..so 1pm nasa skul na ako at nagpasa ng compo, nagpasa ng logo at ads development sa thesis, paikot-ikot sa building at kinuha ang mga collaterals including tarpaulin, marketing at press kit para sa dokyu, nagpaprint ng vma sa dapitan at pinagpatuloy ang pag-eedit ng dokyu dahil kami na rin ang gumawa ng paraan para ma-edit..pero ang laptop ni itlog ay mabagal kaya go call jemma's bf para sa laptop at may virus ang laptop..ang malas talaga..sa 5th floor, ang ibang 4th year ay pinapanood na ang dokyu nila samantalang kami ay nag-eedit pa..
5:30 ay go na kami para pumunta ng makati, sabi ni jemma siya na daw bahala sa dokyu..kaloka dahil hindi naconvert sa avi file kundi naka-mpeg ito..nakakaawa na si jemma pero wala kami magawa dahil papunta kami ng makati..kami din ay nagpapanic na dahil til 7pm lang daw si sir sa office niya samantalang trapik sa makati..nagmakaawa na lamang kami at pinahaharurot ang drayber ni rakel tuwing naka-go ang traffic lights..8pm na nung nakadating kami at mabait naman si sir criz..ang gwapo pa niya nakakainis..
hay nako, ang hirap talaga pag patapos na ang sem, ang daming nagpapanic, naiinis, nababad trip, nalilito, nagka-cramming at napaparanoid..ako nga nagagalit na pero pinipigilan ko dahil natrauma na ako sa mga ganyan..yung iba sasabihin pa na "intindihin na lang, may problema" pucha hindi naman yata tama yun na dalhin ang problema sa skul at sa work dahil in real life lalo pagnagtrabaho na ay di ka magsusurbayb kung ganun ka..
haaay kayhirap nga naman mag-aral..buti pa yung ibang courses puro review lang at mga theories and all, kami applications lagi..depende pa sa prof mo kung magugustuhan niya yung gawa mo kaya kahit pinaghirapan mo kung di niya gusto, bengga ka..samantalang sa ibang course, basta't masipag ka magrebyu, mataas na makukuha mo..
totoo ngang dpat magdanas ka muna ng hirap, bago ang sarap..sa totoo lang, minsan i enjoy the challenge kasi pag nalampasan mo iyon, ay naman ang sarap ng feeling..sana naman lahat ng subjects ay ayos ako..kamusta naman kung iyon pa makahadlang sa pag-gradweyt ko..haaya, last day na bukas kaya goodluck sa akin..ciao!
Tuesday, October 9, 2007
ad campaign proposal (requested by reyna elena)

ito yung mga campaigns ko, pasensya na at di mabasa..ito lang kasi yung jpeg file na nakasave..tignan nyo na lang yung lay-out kung anu ba mali or what..sabi kasi ng adviser ko wala daw buhay..di naman kasi yun ang gusto kong i-project para sa events proposal ko na KSP:KULTURA'T SINING PINOY...
it isnt easy to think of a whole ad campaign concept na kailangang may continuity at consistency tapos wala lang sa prof mo..grabe, parang nasayang lang ang efforts ko kaka isip nung sunday ng copy tapos kahahanap ng images, kaka edit, kakaphotshop, sumakit kamay ko kaka-pen tool at kung anu-ano pa man tapos wala lang..
tatlong teasers pa lang na dpat same elements and same concepts ang hirap gawan, tapos intro at sustaining pa..wala pa dito ang testimonial ad,promotional ad, seasonal ad at institutional ads..ang hirap naman kasi sa thesis namin, individual na nga, sinakop pa namin lahat, bukod sa ad campaign, may planning, marketing, promotions, execution, written works, media planning, budgeting, pati visual merchandising, production design at other chuvaness sinama pa..oh god..
haaay minsan iniisip ko, di naman talaga yung ads yung napapansin para umattend ng events kasi yun mismong events yung pinupuntahan ng tao, although advertisements add excitement and interests para pumunta mga tao, pero di naman bano yung gawa ko ah..yung iba nga dyang ads, mas walang kwenta..pero what can i do?
gawin ko kayang baklang-bakla ang ads ko, yung makulay at masaya..ano kaya sabihin nng prof ko?.."aaay neng, bet ko itetz"..nako..hayy, so help me god..ciao
ako ay nalulumbay
dahil ito sa ad campaign ko sa thesis na di naapruban ni maam..i have to make three sets of concepts again or more para sure..wala na ko maisip na idea..haaayyy...bakit parati na lang kung ano yung maganda sa kanila yun ang nasusunod..our thesis is sooo subjective i cannot stand it..its like a beauty is in the eye of the beholder system..kahit na gusto mo na yung nagawa mo, ayaw pa rin..kahit na pinag-isipan mo yung buong concept, ayaw pa din..minsan di naman talaga tinitignan yung concept o kahit yung copy man lang..kahit na gusto mo sabihin yung gusto mong message sa gawa mo, di rin ma-gets..maam said its boring and wala daw buhay, but i want my campaign to be simple and minimal, di naman kasi yun party para maging colorful..ayoko naman na maglagay ng rainbow colors dun..haaayy it really makes me depressed..pero siguro nga kulang pa din ako..hay di ko alam..natatakot lang kasi din ako..
plus other school works pa to be done and ako ay napaparanoid na...konti na lang matatapos din ito..and everything's gonna be alright..sorry have to vent this out..
i am really sad..pasayahin nyo naman ako oh!
Saturday, October 6, 2007
jeep ni manong

Tuesday, October 2, 2007
oktubre na pala
kapag oktubre, syempre i look forward sa mga happenings..syempre naman, kahit pano dapat kailangan ng break, kailangan ng kitkat..yuck ang corny ko..
THESE ARE THE TOP TEN THINGS I LOOK FORWARD THIS SEM BREAK
1.yet another pictorial with eggy and benz..yey im gonna dye my hair green for that and buy a new jacket..gagawin namin iyon after this sem..wala lang just for fun.
2.pool party kina tasha dahil yun ang official place namin for partyin and since yun yung pinaka accessible na place..and of course, bonding time with high school friends.
3.tambay sa very famous ne pacific mall sa cabanatuan city with high school friends.4.dvd marathon..shet im so excited to finish watching lost and queer as folk and america's next top model season 8
5..going back to the province and bonding with my grannies, cousins, aunts and the whole nieghborhood..shet, i miss my hometown, aliaga..
6..sleeping and sleeping and curling up on bed the whole day long..
7.out of town trip with college friends..they're planning pero i doubt kung matuloy pero hopefully kina itlog sa pangasinan..
8.printing pictures from the pc and organizing it in an album or making a scrapbook out of it.
9.halloween..jaymar and i love the halloween lalo na sa province namin kung saan tila may pista sa sementeryo everytime na all saints day/all souls day na
10.and waking up every morning knowing na may three weeks na free day sa skul at damahin ang panandaliang kalayaan sa mga trabaho at gawaing pampaaralan..
ngayon pa lang, gawin na ang dapat gawin para ma-enjoy nating lahat ang ating sembreak..