Thursday, October 11, 2007

haggard

una sa lahat ay nagpapasalamat muna ako kay reyna elena sa concern niya sa aking ads na dedma ng prof at sa lahat ng nagcomment at naghelp..thank you thank you

walang pasok ngayon kaya pahinga muna pero oops mamaya ay rebyu rebyu drama naman para sa philippine government and constitution at may presentation pa kami sa esthetics na poetry reading with music inspired by the painting that we chose..taray..

pero syempre naman, maraming pagsubok ang aming dinanas nitong mga nakaraang araw..uso kasi yun pag huling linggo ng semestre lalo pa sa college of fine arts and design kung saan sinusubok ang styudents..i saw dat coming na pero di ko akalain na ganun kahirap..panu ba naman kasi, natututo na akong maging organized ngayon at gumawa ng sked pero di mo talaga maiiwasan ang mga aberya, uso pala talaga iyon..haay buhay

nagsimula ang haggard moments noong nakaraang sabado, panic mode at paranoid galore na ang lola niyo pati mga kagrupo ko dahil sa punyetang pakshet na textile design..ang aming finals kasi ay magpaprint ng napiling designs at ipatahi ang mga end products like bags, shorts and other garments na magsusuit sa designs namen..so wala kami mahanap na printing chuvaness basta in short dami daming problems na umaatake plus nag-iinit na din ang aming mga ulo pero ako talaga ay pinipigilan ko dahil naniniwala ako na "di masosolusyonan ang anumang problems sa init ng ulo"..

lunes ay tumungo ako kina itlog, ay dabest itong si itlog, may-i-post ako about her next time..so yun nga, sleepover ang drama ko sa kanila para gumawa ng mga dapat gawin..noong linggo kasi ay tinapos ko na ang composition plate ko which is a painting of palawan map (i got 86, minadali ko lang kasi)..at tinapos ko din ang synopsis ng dokyu namin plus conceptualization ng mga ads kong nabengga ni madam recto..so buong gabi ng lunes ay ginawa ko iyon kina itlog at pati na rin martes ng buong araw..nung araw ding iyon nabengga ang aking designs

miyerkules ay balik ako kina itlog pero bago iyon ay naghanap muna ako ng patahian para sa shorts at towel with our printed design..syempre hanap ako ng mura dahil nauubos na mga salapi namin sa dami ng gastos..pagkatapos ay hinanap ko si joshua para iparinig ang downloaded music na gagamitin para sa dokyu namin na entitled "buhay basahan" about kids na nagpupunas ng paa ng mga jeepney commuters at pati mga vendors ng basahan..nauna na kami kina itlog dahil syempre parang bahay na rin namin iyon..nagdefrag muna sya ng laptop ni itlog kaya't natagalan kami..kina itlog kami gumawa dahil sira ang pc ni josh at walang laptop na available sa mga kagrupo ko..eh kung may laptop lang ako eh..so yun nga, may problem sa ipod, di macopy yung music kaya nirecord sa digicam habang pinapatugtog sa laptop, nagvoice over din para sa dokyu at nag-edit ng konti..pagkatapos ay umuwi na si josh, i stayed kina itlog para gawin ang visual merchandising finals ko na floor plan at four perspective ng dream shop ko na "rainbows are gay"..so wala talagang tulugan, mga 2 hours lang..5:30 am-7:30 am tapos back to work muli..

ang editing ng dokyu namin, pagkagising ko ay di pa daw tapos so tinext ko mga kagrupo ko at nagmamaldita na ko ng konti dahil one week ago pa binigay ang video para iedit tapos ay di pa din tapos, ayoko nga yung nagpapanic kaya tinapos namin agad ang shoot tapos biglang ganun..so 1pm nasa skul na ako at nagpasa ng compo, nagpasa ng logo at ads development sa thesis, paikot-ikot sa building at kinuha ang mga collaterals including tarpaulin, marketing at press kit para sa dokyu, nagpaprint ng vma sa dapitan at pinagpatuloy ang pag-eedit ng dokyu dahil kami na rin ang gumawa ng paraan para ma-edit..pero ang laptop ni itlog ay mabagal kaya go call jemma's bf para sa laptop at may virus ang laptop..ang malas talaga..sa 5th floor, ang ibang 4th year ay pinapanood na ang dokyu nila samantalang kami ay nag-eedit pa..

5:30 ay go na kami para pumunta ng makati, sabi ni jemma siya na daw bahala sa dokyu..kaloka dahil hindi naconvert sa avi file kundi naka-mpeg ito..nakakaawa na si jemma pero wala kami magawa dahil papunta kami ng makati..kami din ay nagpapanic na dahil til 7pm lang daw si sir sa office niya samantalang trapik sa makati..nagmakaawa na lamang kami at pinahaharurot ang drayber ni rakel tuwing naka-go ang traffic lights..8pm na nung nakadating kami at mabait naman si sir criz..ang gwapo pa niya nakakainis..

hay nako, ang hirap talaga pag patapos na ang sem, ang daming nagpapanic, naiinis, nababad trip, nalilito, nagka-cramming at napaparanoid..ako nga nagagalit na pero pinipigilan ko dahil natrauma na ako sa mga ganyan..yung iba sasabihin pa na "intindihin na lang, may problema" pucha hindi naman yata tama yun na dalhin ang problema sa skul at sa work dahil in real life lalo pagnagtrabaho na ay di ka magsusurbayb kung ganun ka..

haaay kayhirap nga naman mag-aral..buti pa yung ibang courses puro review lang at mga theories and all, kami applications lagi..depende pa sa prof mo kung magugustuhan niya yung gawa mo kaya kahit pinaghirapan mo kung di niya gusto, bengga ka..samantalang sa ibang course, basta't masipag ka magrebyu, mataas na makukuha mo..

totoo ngang dpat magdanas ka muna ng hirap, bago ang sarap..sa totoo lang, minsan i enjoy the challenge kasi pag nalampasan mo iyon, ay naman ang sarap ng feeling..sana naman lahat ng subjects ay ayos ako..kamusta naman kung iyon pa makahadlang sa pag-gradweyt ko..haaya, last day na bukas kaya goodluck sa akin..ciao!

6 comments:

Bryan Anthony the First said...

naku ija..tiis nalang, mabuti na yung naka pag aral, lalo na sa mga fairy god mothers na kagaya natin, dahil nga homophobic parin ang mundo, iba na yung may pinag aralan ka para di tayo maliitin ng mga taong makitid ang utak!

aj sotteau said...

kurek..haha..masaya naman talaga mag-aral at ngayon ay sembreak na kaya hapi hapi na

reyna elena said...

@AJ,

you're welcome anak! kelangan baliin ang sterotype sa mga bading that we're only up to working in parlors. not that minamaliit ko yong mga parlorista else, di lang buhok ang gugupitin saken ni mama toni (gupitera ko) baka pati yong kwan ko.

there's a very nice write up pala on inquirer about parloristas - sorry di ko na makita ang link, but it talks about Ricky Reyes at ang kanyang magandang ginagawa sa mga bading na talaga namang dapat bigyan nang Nobel Peace Prize yang kapatid nating yan.

in any case, i love to hear about yong mga kapatid naten like you AJ na nagsisikap ever to be successful sa iba namang larangan you know what i mean? kaya galingan mo anak! hinihintay naming maging one big named designer ad marketer chuvalais ka sa paris, new york at saan ba yang barrio mo? :-)

reyna elena said...

kumusta ka na anak? buhay ka pa? ni-tag kita! would like to know more kung ano ano ang mga kaeng-engan naten dyan:http://reynaelena.com/2007/10/16/6-becomes-8-random-things-about-me/

aj sotteau said...

inang reyna ako po ay buhay pa at naging busy lang dahil nagpiktoryal kami sa antipolo para sa mga photographers kong kaibigan..yuo know praktis sa kanilang thesis para sa photography..sige, dalawin ko site mo..

Anonymous said...

World Of Warcraft gold for cheap
wow power leveling,
wow gold,
wow gold,
wow power leveling,
wow power leveling,
world of warcraft power leveling,
wow power leveling,
cheap wow gold,
cheap wow gold,
maternity clothes,
wedding dresses,
jewelry store,
wow gold,
world of warcraft power leveling
World Of Warcraft gold,
ffxi gil,
wow account,
world of warcraft power leveling,
buy wow gold,
wow gold,
Cheap WoW Gold,
wow gold,
Cheap WoW Gold,
wow power leveling
world of warcraft gold,
wow gold,
evening gowns,
wedding gowns,
prom gowns,
bridal gowns,
oil purifier,
wedding dresses,
World Of Warcraft gold
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow power level,
wow power level,
wow power level,
wow power level,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow po,
wow or,
wow po,
world of warcraft gold,
cheap world of warcraft gold,
warcraft gold,
world of warcraft gold,
cheap world of warcraft gold,
warcraft gold,buy cheap World Of Warcraft gold
Maple Story mesos,
MapleStory mesos,
ms mesos,
mesos,
SilkRoad Gold,
SRO Gold,
SilkRoad Online Gold,
eq2 plat,
eq2 gold,
eq2 Platinum,
EverQuest 2 Platinum,
EverQuest 2 gold,
EverQuest 2 plat,
lotro gold,
lotr gold,
Lord of the Rings online Gold,
wow powerleveling,
wow powerleveling,
wow powerleveling,
wow powerleveling,world of warcraft power leveling
ffxi gil,ffxi gil,ffxi gil,ffxi gil,final fantasy xi gil,final fantasy xi gil,final fantasy xi gil,final fantasy xi gil,world of warcraft gold,cheap world of warcraft gold,warcraft gold,world of warcraft gold,cheap world of warcraft gold,warcraft gold,guildwars gold,guildwars gold,guild wars gold,guild wars gold,lotro gold,lotro gold,lotr gold,lotr gold,maplestory mesos,maplestory mesos,maplestory mesos,maplestory mesos, maple story mesos,maple story mesos,maple story mesos,maple story mesos,
j3c6y7xh