ito ang aming munting bayan ng aliaga, nueva ecija..isa itong 3rd class municipality..ilang araw na lang ay uuwi na naman ako dito sa aking pinakamamahal na baryo..masyado akong nangulila dito..dito kasi ako ipinanganak at dito na rin lumaki..araw-araw ay sariwang hangin ang aking nalalanghap, tilaok ng manok at mga huni ng ibon ang aking nagigisnan at pagkalawak-lawak na luntiang bukirin ang aking natatanaw..
ibang-iba ang aliaga sa kamaynilaan, dito ay simple lamang ang buhay at kahit mahirap ang mga tao ay masaya pa rin..sa sitio kaingin, barangay san juan ang lugar namin..dito ang mga magkakapitbahay ay halos pamilya na ang turingan at parating nagtutulungan..sa bakuran namin marami kaming tanim na mga puno..may santol, kamatsile, mangga, niyog, sampalok, bayabas, papaya, duhat, aratiles, saging, kaimito at mga puno ng kasuy na ako mismo ang nagtanim..may mga gulay ring tanim ang lolo't lola ko tulad ng gabi, malunggay, kangkong, pandan, sitaw, bataw, talong, kalabasa at ampalaya..maging mga tanim na bulaklak ng kamia ay meron ako kung saan ay iniaalay ko ang mahalimuyak nitong mga bulaklak sa mahal na birheng maria..
ang lola ko ay may alagang mga manok at maging mga baboy kaya may nakakatay kami tuwing may okasyon..ang kapitbahay naman namin ay may kalabaw na nagagatasan kaya't tuwing umaga ay sariwang gatas ang bumubulaga sa almusal..iba't ibang isda rin ang nakukuha sa ilog at mga sapa tulad ng hito, dalag, tilapya at mga kuhol, hipon at talangka..
tuwing anihan ay masasaya ang mga tao, tila pista dahil marami na namang pera ang kikitain..lahat ng tao ay abala sa kabukiran, yun nga lang madalas ipambabayad din nila ang kanilang kikitain sa mga utang..ang lolo't lola ko ay may kapirasong lupa na tinataniman ng palay kaya tuwing anihan ay kumikita kami..yun nga lang, di ko naranasan na magtanim o gumapas ng palay dahil nga sosyal ako..chos!
mahal na mahal ko ang bayan ng aliaga, kahit saan man ako magpunta ay hinding-hindi ko ito pagapapalit sa anumang lugar..ito ang humubog sa aking pagkatao, siya ang naging saksi sa aking pamumukadkad..marami akong pangarap para sa bayan ko gaya ng gawin itong fashion capital of the philippines kung saan ang mga tao ay naka jimmy choos, blahnik, seven jeans, hermes, lv at kung anu-ano pa..malay mo di ba? hahaha..eksayted na akong umuwi at magmaganda sa aming baryo..
Tuesday, October 16, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Kay pala at napakatayog ng iyong adhikain para sa baryong iyong pinagmulan, kinalakhan, at kinahuhumalingan hanggang ngayon...Sana dumami ka pa at nang makarating naman sa ating mga kanayunan ang mga jimmy choos at ano na nga yon, blahnik, tama ba ispeling? Hala. Siya at nang mapagpagan ko naman itong aking mga Levi'z at DK&Y!
hahaha..kurek..ganun talaga dapat..salamat po
mabuhay ang mga taga-bukid!
Nasa puso ka pala ng Luzon lolah! Ang taray! Pero di ako papayag na gawing Fashion Capital of the Philippines ang bayan mo.
Aliaga Fashion Week? Ang bantot! Chos!
LOL!!! (Nabaliw sa komento ni Lyka!)
Post a Comment