Saturday, October 6, 2007

jeep ni manong


kanina pagkagising ko mula sa aking siyesta ay nakatanggap ako ng text ni kalansaycollector "ate, ang gwapo ng guy dito sa jeep" tapos bigla kong naalala na kanina palang umaga ay naimbyerna ko sa sinasakyan kong jeep dahil si ateh na asawa ng drayber ay nagtatatalak about her annoying neighbor..nakakasira ng araw si ateh..ang aga-aga kay ingay-ingay..nalaman ko pa tuloy yung istorya ng buhay nila..nung pauwi naman ako ay naimbyerna akong muli dahil sa unahan ako sumakay katabi ni manong drayber tapos biglang sumakay sa tabi ko ang isang obese na manong..wala naman sanang laman yung loob pero sa harap siya sumiksik..ay di talaga ako makahinga swear..


ang jeep ay simbolo na ng pinoy..syempre ito ang pinakapopular na transportasyon ng mga pilipino lalo na dito sa kamaynilaan..bagaman may iba pang uri ng transportasyon gaya ng taxi, bus o fx, mas nakaaangat pa rin ang jeep dahil mas mura ito..pero minsan di mo din maiwasang maisip na ang jeep ay simbolo din ng kahirapan ng mga pilipino dahil bakit ka nga naman magji-jeep kung may taxi naman o kung may sarili ka namang sasakyan..ako ay suki ng jeep at marami na rin akong adbentyurs sa pagsakay ko ng jeep araw-araw patungong eskwela..marami na rin akong mga nakasalamuha at marami na ring nakatatutuwang karansan sa pagsakay ko sa jeep..maraming kuwento ang nakapaloob sa mga jeep mula sa iba't ibang pasahero nito..ating tuklasin ang mga ito..


sa pagsakay sa jeep ay natunghayan ko ang pagtaas ng minimum fare mula sa 4 pesos nung ako'y nasa probinsya pa hanggang sa ngayon ay six pesos na dito sa kamaynilaan..kung true blue jeepney lover ka dapat ay alam mo ang mga ruta at pasikot-sikot ng mga jeep..dapat rin ay handa ka sa mga paghihirap sa pagsakay ng jeep dahil sa totoo lang ay tila parusa ang pagsakay sa jeep..kapag umuulan ay dapat ready ka sa mga basang payong na sa iyo'y titilamsik..kapag naman mainit ay dapat ready kang maluto sa init ng araw at maamoy ang mga pawis ng iba't ibang pasaherong katabi mo..


madalas sa jeep ay mapapansin mo si manong drayber..maraming klase yan, may mabait pero bihira lang iyon, may reckless at yung iba balasubas talaga..may super lolo na sobrang bagal, may mga gahaman na super tagal hihinto sa mataong lugar at iintayin na mapuno pa ang sinasakyan mo..may mga manong na madalas magmura at mang-away ng pasahero dahil sa iba't iba ang singil nila..may mga manong drayber na kung kelan late ka na ay saka maiisipang magpakarga ng gasolina..


dumako naman tayo sa mga pasahero..ay sari-sari yan..marami na akong katawa-tawang mga nilalang na nakasabay sa jeep..may epileptic na akong nakasabay at inatake ng epilepsy..may mga baliw na naliligaw at mga pulubi na nagpupunas ng basahan at yung mga nangangaroling pag pasko na feeling ko ay racket lang talaga..madalas ko rin makasabay ang mga constru workers na super ingay na halatang galing probinsya at di gaanong kabanguhan..lalo pa't itataas ang kili-kili nila ay nako matakot ka na pag ganun..may mga pashero namang nakakabwisit dahil ayaw maki-cooperate sa pag-abot ng pamasahe yung nagbibingi-bingihan pa..may ilan namang tila kanila yung jeep dahil sa lakas ng boses pag magkukuwentuhan..pero da best yung nakasabay kong manong, yung cheapipay niyang phone na may radyo ay nakaloudspeaker talaga pucha dinig sa buong jeep yung pinapatugtog niya..meron namang mga magsyota na akala mo naman kung sinong gwapo't magaganda para maglampungan sa jeep..at ang pinakanakakabwisit sa lahat ay yung mga natutulog at sumasandal sa iyo..badtrip yung mga ganon ah..pero mukha silang tanga dahil di talaga mapigilan yung antok nila..ako nakakatulog ako sa jeep pero never akong nakisandal sa katabi ko..pwera na lang siguro kung gwapo yun..pero ang never ko pang nakasalamuha ay ang mga holdaper sa jeep at nawa'y never ko naman silang ma-encounter..


kung minsan kapag no choice ka na talaga ay wala kang magagawa kundi ang sumabit sa jeep..two times ko na iyon nagawa at enjoy naman kaso nakakasira ng poise..ipinalanganin ko na lang na wala akong crush na makakita sa akin habang ako'y nakasabit..may mga times naman na super hassle lalo na kapag may dala akong malalaking canvas,nako pasensyahan talaga sa mga kasabay ko haha..masaya ang jeepney ride mo kung walang masyadong pasahero pero kapag wala talagang sumasakay ay nananalangin ako kay god na may sumakay kasi naaawa ako kay manong drayber kapag walang mahakot na pasahero..kapag swerte ako, sa dulo ako umuupo para may peace of mind dahil walang magpapaabot sa iyo ng pamasahe, tapos madali ka pang makakababa at syempre pwede ka pang magdaydream.aba sa jeep madalas nabubuo ang mga pangarap ko, mga ilusyon pati na mga concepts at ideas ko para sa school plates..pero ang super favorite kong gawin sa jeep ay maghunting ng mga cutie boys..masaya silang titigan wag ka nga lang papahuli pero madalas naman ay swerte dahil may mga cutie boys talagang sumasakay..one time, super naughty ako, parehong nakataas yung kamay namin, ang ginawa ko, idinikit ko yung hand ko sa hand niya hanggang sa halos magkapatong na yung fingers namin..may isang beses naman na nagkatitigan kami nung isang cute..the whole time na nasa jeep kami, nagtititigan lang kami..ang exciting ng ganung feeling.. haha


ang mga jeep, makulay yan..madalas personalized pa, kanya kanyang gimik..sa gawing antipolo-cainta, uso talaga yung mga air brushed na jeep tapos todo yung patugtog ni manong drayber ng mga hiphop songs..nakakatakot siguro kung makita mo na lang ang picture mo na naka-air brush sa jeep ni manong..syempre dapat may mga pangalan sa ibabaw yung jeep para mas kilala, yung tipong "gift of god, katas ng saudi, five sisters, bebe at dodong" mga ganun tapos sa likod may nakasulat na "basta't driver sweet lover" o kaya naman "kailangan pa bang i-memorize yan" mas corny, mas astig..ang jeep ngayon mas modern na kasi, minsan nga meron pa silang "pull the strings to stop" pero di naman nasusunod dahil syempre mas patok pa rin yung "para manong"..


iba't iba man ang anyo, iba't iba man ang klase ng driver at iba't iba man ang pasahero, iisa lang ang hangarin ng jeep. at ito ay maihatid ang bawat pilipino sa kanilang patutunguhan..ang jeep ay tunay na simbolo ng pagiging pinoy, masasalamin dito ang makulay at matiyagang buhay ng mga pilipino..ako, kahit na parusa ang pagsakay sa jeep, di ko ito ipagpapalit at hanggang sa pagtanda ko, sasakay pa rin ako dito..iba kasi yung feeling, damang-dama mo ang pagiging pinoy..

9 comments:

gari salvador said...

haha naalala ko ung jeep papuntang divisoria na sinakyan natin nila feli, may mama na nanghihingi ng abuloy para sa mga bulag e hindi naman bulag yung namimigay. tapos ginagaya pa ni feli ung mama. haha wala lang natawa lang ako. kakaibang jeepney experience.

Kiks said...

that picture, superfeeling ko, ay sa mismong harap ni Bonifacio sa Vinzons Hall sa UP Diliman.

fell na fell ko ang 3-4pmish time dahil sa shadow ng mga punong acacia. kita mo ang isang piraso ng pipitsuging stage sa Sunken Garden.

at ang pamosong jeep na papunta sa Katipunan pag pupunta ka sa Miriam o Ateneo for more whatever.

i love this post. kahit isang pichur lang, napakadescriptive. kahit mahahaba ang sentences at ketataba ng mga paragraphs, hindi nakakapagod.

sigurado ka bang artist ka lang?

aj sotteau said...

ay mister kiks, panagarap ko din kasi na magsulat haha..kundi ako nagfine arts ay dapat nag communication arts ako..salamat naman, pasensya na kung mahaba..haha

aj sotteau said...

and oh, kurek..masarap talagang sumakay sa jeep at gawain ko rin ang mag-abang ng jeep sa tapat ng bahay ng alumni at up theatre at tumungo sa katipunan upang bisitahin ang mga kaibigan kong knollers at atenista..kahit taga uste ako, mahal ko ang UP halos nakabisado ko na ito, lalo pa't taga diliman ako

aj sotteau said...

uy ateh gari, namiss ko ang mga jeepney adventures natin patungong divisoria haha at yung patungong quiapo at sa kung saan saan pa..i miss u ateh

reyna elena said...

love your story!

dun sa tapat nang UST, i had a business kasi duun date, and i see these kids na paghinto nang jeepney, takbuhan yong mga kids and then pupunasan ba yong mga sapatos kesehodang rubbers shoes, yong ang mga nakita ko.

kalansaycollector said...

at kinonek mo talaga ang text kong gwapong boylet sa jip sa jipney at pagkapinoy? haha

Nice Salvador said...

Panalo blog entry mo 'teh! hagalpak ako sa kakatawa. Kadyahe! haha. Damang-dama talaga pagiging Pinoy sa pagsakay sa jeep. Kung adventures at adventures lang ren naman ay hindi na ko papatalo, from manyakers na naglalaro ng kanyang pagkalalaki to cutie boys ayyy mga nakasakay ko na yan! :D Haha! Nakaka-addict blog mo ;)

aj sotteau said...

@reynz: thank u naman
@kalansay: syempre yun yung unang pumasok sa isip ko
@nicey: uyyy thank u naman ahihihi