Thursday, September 20, 2007

weak

haaay buhay..nanghihina ako ngayon..bakit ganon? masakit ang buo kong katawan at tila lalagnatin na naman ako..hello, tatlong lingggo pa lamang ang nakararaan nang ako'y inapoy ng lagnat..siguro over-fatigue lang talaga ako at laging kulang sa tulog..tapos kanina ay naglibrary pa ako with alfred tapos ang lamig lamig dun..haaay..i have a plate to finish pa at may iinterviewin pa ako sa makati bukas..please lord, wag sana akong lagnatin..



alam ko na, kung bakit ako nanghihihina at tila nagbabadya ang lagnat..ito ay dahil nag-studio tour kami kahapon sa ABS-CBN..nasira ang plano ko kahapon dahil umulan..lahat yata kami ay excited lalo pa't maraming celebrity ang makaka-rub elbows namin..so pagkagising ko nga, wala si haring araw at kaylakas ng ulan..ang original plan ko ay sumakay ng dalwang jeep at lakarin mula edsa ang ABS CBN, pero dahil sa ulan ay naiba ang plano ko..syempre pinaghandaan ko ang outfit ko..pink billabong shirt, skinny jeans and my trusty chucks..wala akong dadalhin na bag dahil sagabal iyon..at ayokong magdala ng payong dahil dyahe atmaarte ako..so pagbaba ko, naghanap ako ng cab sa may kanto ngunit lahat ay maysakay..so pumara ako ng tryke at tumungo sa may GMA 7 at duon magbabakasakali na may dumaang taxi..



pagdating ko duon sa GMA ay mabigat ang trapiko at ako'y nababasa na..lahat ng taxi maysakay punyeta..nag-abang ako sa may tapat ng DILG building at nako may kalaban pa akong ateng majubis na nag-aabang..biglang paglingon ko ay nakita ko ang tiyahin ko na patawid dahil papasok siya sa trabaho..so nilapitan ko at sinamahan akong mag-abang pero puta trapik nga so di gumagalaw ang sasakyan..AYOKONG MA-LATE SA TOUR PUNYETANG ULAN YAN..sabi ko sa ityahin ko, tatakbo na ako..



so tumakbo na nga ako.para kong si sisa na tumatakbo at sinisilip-silip ang mga taxi kung maysakaya pero lahat ay meron..ilang waiting shed din ang hinintuan ko upang mamahinga..hanggang sa nakarating ako sa may isang street malapit na sa quezon avenue..duon, pumara ako ng pedicab..may kasabay ako sa pedicab, ang isang ateng mahadera..punyeta, nagpunas muna siya ng upuan nang kaytagal tagal at di man lang naisip na nakatayo ako sa gitna nang ulan..so yun nga, nakarating ako ng ABS-CBN at nakakahiya dahil sa pedicab ako bumaba..ang cheap swear, nakakawalang poise..basang basa ako at tila naligo sa ulan..pero buti na lang at kyut ang mga tour guides at nako, kahit walang celebrity pa akon nakikita ay ulam na mga tour guides pa lang..at ang moral lesson, dapat wag mag-inarte at magdala ng payong..haayyy

so yun ang adventure ko sa ABS-CBN..di ko na ikukuwento ang iba pa dahil naging audience lang naman kami sa boy n kris at nastarstruck sa mga celebrities..all in all,masaya naman..nasi ko tuloy magtrabaho na sa abs-cbn someday..na-amaze ako haha..iba yung feelnig pag andun ka..haha..at ang ganda ko, nakita ako ng mga tiyahin ko sa telebisyon..at naman kaygwapo nina jake cuenca, andrew wolf,robert brown,enchong dee at jomari yllana..at ang pinakadabest ay nakita ko si carlo guevarra..ang totoy niya tila isang nagbibinata at inosenteng mhin na kaysarap tikman..o siya, babu na at ako'y kailangan munang magrest..pero bago iyon, eto muna ang larawan namin sa studio ng boy and kris

5 comments:

gari salvador said...

haha hayaan mo na sulit naman ang suot mo dahil kitang kita daw sa tv. hahaha:P

Kiks said...

Ikaw ba yong nakared or something whatever? With a flash of the brightest smile na kahit ang conglomerated (conglomerated ba talaga?) smiles ng mga kasama mong kipay eh walang panama?

Ang taray mo day. Napursue mo na ang iyong happyness?

kalansaycollector said...

hiyang-hiya naman ako. haha.

masaya talaga diyan sa abs-cbn at target market kong magtravajo run... naku ha pag hindi nila ako tinanggap, magaamok ako sa labas! chos.

ngayon pa lang magpapasa na ako ng resume! chos. haha.

Lyka Bergen said...

Best Actress in a Sisa role ang drama mo ha. Nakatulong ang ulan.

Inggit ako sa yo ha! Nakita mo na in person ang Jake Cuenca. Tse ka!

aj sotteau said...

ay ate, ang jake pag dumaan, lahat napaphinto at napaplingon..masarap talaga ateh