Monday, September 17, 2007

the last days

paano kung last day mo na dito sa mundong ibabaw? siguro kayhirap isipin noh? kasi naman, sino ba naman ang gusto nang mamatay. pero ako, minsan kapag naiisip ko yun ,di ako natatakot. alam ko kasi na darating talaga yung araw na oras mo na. pero sana naman di muna ngayon. marami pa akong gustong abuting pangarap .marami pa akong gustong gawin. marami pa akong gustong makita. marami pa akong gustong mapasaya. gusto ko pang makita ang mga pinsan ko na lumaki. gusto ko pa makasama nang matagal ang mga kaibigan at pamilya ko. gusto ko pang makasama nang matagal ang nanay at kapatid ko. marahil ay hindi pa ako handang mamatay. kahit pa masaya na ako, gusto ko pa makita ang sarili ko na magtagumpay.

lahat naman siguro ay naghahangad na mabuhay hangga't pwede. kung tutuusin, wala naman talagang pagka-kuntento ang isang tao, di mo masasabi na kuntento ka na kung masaya ka. hindi naman porke masaya ka na, hihinto na ang pag-ikot ng mundo mo.syempre habang nabubuhay ka, patuloy na umiikot ang buhay mo at patuloy kang nakikipagsapalaran. di naman pwedeng masaya ka na lang habambuhay. minsan mainam din na malungkot ka, nang sa gayon humanap ka ng paraan para maging masaya at matuto kang maging matatag. hihinto lang siguro ang paghahangad natin kapag kinuha na tayo ng poong maykapal. pero sana, kapag dumating ang oras na iyon, masaya na tayo para kahit sa huling pagkakataon ay naramdaman natin ang pagiging kuntento.

kaya't habang tayo'y nabubuhay, ating damhin ang ganda ng buhay at lagi tayong maging masaya..

dahil dyan ay iniaalay ko ang isang napakagandang awitin

THE LAST DAYS
by Hourglass

If today were the last of all days
Would it change how you feel, who you are?
Would you rise for a moment
Above all your fears
Become one with the moon and the stars?

Would you like what you see looking down?
Did you give everything that you could?
Have you done everything that you wanted to do?
Is there still so much more that you hold?

Follow your dream to the end of the rainbow
Way beyond one pot of gold
Open your eyes to the colors around you
And find the true beauty life holds

Would you live for the moment
Like when you were young
If time didn't travel so fast
Be free in the present enjoying the now
Not tied to a future or past

Follow your dream to the end of the rainbow
Way beyond one pot of gold
Open your eyes to the colors around you
And find the true beauty life holds

You probably said all you wanted to say
But doesn't that strike you as strange
That we only begin to start living our lives
If today were the last of all days

If today were the last of all days
Of all days.....

8 comments:

Kiks said...

Emotera!

Pero gusto ko yang song na yan. Nagplay yan sa cellphone ko kanina habang naglalakad ako papuntang opisina nang biglang nagjump sa Sorry ni Madonna.

Tumalon ba naman? Imbey!

aj sotteau said...

ahihihi..wala lang, naisipan ko lang siya kagabing i-post ahihi..kamusta ka kiks? ahaha

david santos said...

Great poem, aj sotteau!
Thanks for posting. I love the poem.
Until Always

kalansaycollector said...

ay umeemote ang bruha! ayan akala ni kuya poem ang ginawa mo! hehe.

Lyka Bergen said...

Vakit biglang ganyan? Pero i love to watch films na may Last Days theme. Meron bang pinoy movie na me ganitong storyline?

Kiks said...

Keri naman AJ. At sinetch naman iteng si Davidoff. Nag-emote na winner ang zhula?

Char! Yun lang.

aj sotteau said...

kakaloka si david santos..hahaha..anyway, tiya lyka, di ko sure kung may ganyang pinoy films, yung sana maulit muli nina kimerald parang ganun haha..

Jay said...

Great article, would you mind if I share this @ manilablend.blogspot.com