Tuesday, August 21, 2007

aj's top ten: ang mga bituing maningning sa primetime drama

Mahilig akong gumawa ng lists..kung anu-ano lang..kapag wala akong magawa gayun ang ginagawa..minsan inilalagay ko sa cellphone ko o kaya sa notbuk ko..lahat nga ng pelikulang napanood ko sa sine buhat ng ipinanganak ako ay nailista ko..at habang binabasa ko ang harry potter and the deathly hallows ay inililista ko ang lahat ng characters na ma-encounter ko..pati mga bansa ay inlilista ko alphabetically, mga klasmeyts ko nung elementary at kung anong school nila ngayon, naka-sort pa yun..mga bansang gusto ko mapuntahan, mga top favorite kong models at mga celebrities na gusto kong pumasok sa susunod na PBB celebrity edition..ganun ako basta may maisip na topic, inililista ko..very fulfilling naman eh

At ngayon, bilang buena mano ay narito ang listahan ng aking "sampung bituing nagnininigning sa primetime drama-rama"..dahil nga medyo naaDICK ako sa mga palabas ngayon tuwing gabi sa ating local channels ay naisipan kong gumawa ng list na ito..sa dinami-dami nang mga karakter at bituing ating napapanood tuwing gabi, iilan lamang ang may potensyal..ang ilan ay batikan na at tunay ngang kapansin-pansin, ngunit ang iba ay nakakaumay nang panoorin na parang di ka na nasasabik o humahanga. ang iba naman ay kahit pa mag-effort ay wala talagang mapatunayan.
Kaya't narito na sila..Handa ka na ba?
10.CARIDAD SANCHEZ

panalo ang Tita Caring bilang Lola Cruz sa Pinoy version ng Marimar. Hanga ako parati sa acting niya. Bawat pagdeliver niya ng lines ay tagos sa aking puso haha. Maski nung lola days pa niya sa"Bayani" ng ABS CBN ay minahal ko na siya. At ngayon sa Marimar ay kuhang- kuha niya ang aking puso sa mahusay niyang pagganap.

9. MARIAN RIVERA

Wagi ang Marian para sa akin. Di man malevelan ng Pinoy ang original version ng Marimar ay hapi na ako sa pagganap ni Marian. Sexy at maganda si ate tapos ay ang pagiging tanga niya dito ay very effective kaya nakaaaliw siyang panoorin.

8. CONEY REYES

Panalo ang Tiya Coney bilang isang demonyang kontrabida sa Ysabella. Ibang- iba ito sa mga roles na ginagampanan niya tulad ng Nay Margie sa Ang Munting Paraiso. Di ko akalain na game din pala si Tita Coney sa mga ganitong kamalditahan knowing na konserbatib at religious ang drama niya.

7. RYAN AGONCILLO


Magaling ang Ryan. Akala ko ay sa paghohosting at pagmomodelo at pagpapacute lang siya maglelevel ngunit may tinatago pala siyang angking talento sa pag-arte. Higit pa sa kanyang angking kagwapuhan ay ang husay niyang pagganap sa mga papel na ibinibigay sa kanya. Para sa akin ay natural na natural ang pag-arte niya sa Ysabella bilang Andrew/Albert

6. DEREK RAMSEY

Isa pang bagong discover sa actingan ay itong si Papa Derek, ay ang galing niya sa MMK noong Friday opposite Alex de Rossi. Panalo ang kakisigan ni Derek isama pa ang angknig talento sa pag-arte ay panalo na. Bilang ka-loveteam ni Juday sa Ysabella ay patok na patok para sa akin si Derek.

5. ZANJOE MARRUDO


Nakakatuwa itong si Zanjoe Marrudo bilang Abie na isang Kapampangan sa Kokey. Funny yet di pa din nawawala ang kanyang pagiging cutie at ang bait pa ng role niya dun kaya lalo akong humahanga. In fairness sa acting ni kuya may development kaya pasok siya sa list ko.

4. JUDY ANN SANTOS

Ang Ate Juday never fails me talaga ah..Winner ang pag-acting niya sa Ysabella at kaylaki na talaga nang transfromation niya since her Mara Clara days ah. Kayhusay talgang umarte ni ate.

3. GINA PAREƱO


Si Mother Gina patuloy ang pag-ariba at pagkinang sa showbiz. isa siya pinakamagaling na aktres para sa akin. very versatile ni ate at lahat ng roles na gampanan ay kering-keri. mapa-drama o comedy ay win siya. Very superb performances talaga ang ibinibigay ni Tiya lalo na sa MMK "Baliw" episode ay kakaiyak yun. Dito sa Ysabella bilang tiyahin ni Juday ay patok na patok siya.

2. EUGENE DOMINGO

Ay wala nang tatalo sa kagalingan ni Ate Uge pagdating sa pagpapatawa ay panalo talaga si ate wala akong masabi..Super favorite ko si ate dahil sa talaga namang standing ovation niyang mga performances.. iba talaga ang powers nitong si ate kaya lahat ay napapasaya niya at kaygaling talaga niya bilang Charisse sa Kokey, ang malditang Kapampangang kapitbahay ni Ruffa.

1. JODI SANTAMARIA

At ang number one sa list ko ay walang iba kundi itong si Jodi dahil sa husay sa pagganap bilang baliw at maldtiang si Cynthia sa Walang Kapalit.. Para sa akin ay naungusan niya si Claudine dito kasi gaga siya dito angh usay panalo talaga..kaya Bravo, Jodi!

Ayan ang aking top ten list ng mga bituing patuloy ang pagkinang sa larangan ng showbiz..

9 comments:

bananas said...

ryan? zanjoe? derek? marian? naman, aj...wag mo naman silang isama sa mga dakila. ibang klaseng insulto yan ah.

mrs.j said...

i agree with bananas!

ate pero agree me sa coney reyes mo! win nga sia.. hmmmm bat wala si...
,,,,
,,,
,,,
,,,
,,,
,,,

kokey?!

aj sotteau said...

@bananas: eh well, iba kasi yung nafi-feel ko sa kanila tuwing napapanood ko sila..di ko naman sinabi na dakila sila pero keri kasi nila na gampanan ang roles nila kaya feel ko sila...and feeling ko naman ay may mapapatunayan sila just give them time..at tlgang ipinagtanggol daw ba haha

kalansaycollector said...

i agree with mama gina, tiya coney, lola caridad, ate judai at best friend na si jodi!

keri lang din si papa ryan. magaling nga siya.

si zanjoe.. cute lang.

si derek ay nadedevelop nga si kuya! kinilig ako sa MMK... si marian sige na nga sa tanga-tangahan. basta gusto ko ang asong pulgoso pag nagkataon ako na si marimar! wahaha

kalansaycollector said...

AY WAIT HINDI AKO PAPAYAG NA MAKALIMUTAN KO SI ATE EUGENE DOMINGO

PALAKPAKAN!

aj sotteau said...

ahaha okey lang naman ang choices ko divah jaymar? binebengga kasi ako ni bananas haha..kasi naman yung choices ko ay di lang naman sa galing umarte kundi sa appeal at sa pagregister sa screen at other criteria for judging haha..o well may explanantion tlga haha

Lyka Bergen said...

Leche ka! Bat wala si Jake Cuenca? Tse!

aj sotteau said...

kasi ate lyka, si jake cuenca ay parang kayang-kaya lang niya yung role niya bilang anak mayaman..iintayin ko na bigyan siya ng pulubi o rapist o adik role para mapatunayan ang galing niya..in fairness gwapo talaga siya ateh..actually semi-finalist siya haha

Lyka Bergen said...

Tse pa rin!