Wednesday, March 12, 2008

update lang

bum ang drama ko ngayon..wala magawa..ewan ko ba!

si mudang ko, di pa sure kung sa sabado na uuwi dahil yung passport ay iniintay pa..ngayon lang kasi nagpa-renew ang gaga..nakakalungkot lang kasi dahil nun nakaraang taon, ang dahilan ng pag-uwi niya ay para sa graduation ko, para sa 50th anniv nila inang at tatang, para sa pyesta sana samin at para sa mahal na araw, pero ngayon, minamadali siyang umuwi dahil parang sila na lang ang iniintay ng tito enteng ko..hindi ko rin ma-imagine na ang lungkot lungkot naman..never ko pa kasi na-experience sa family na ganito ka-sad..oo marami nang mga sad experience pero ito na yata yung pinakamalungkot..

yung tiya edith ko, kahit 3 months pa lang sa australia, pinilit niyang umuwi para sa tito ko, pagdating niya sa bahay, di niya ineexpect na ganun na kalala yung tito ko..ang hirap pa kasi, bunso yung tito ko, 29 pa lang siya at ganun pa yung nangyari..di kami close masyado pero buong buhay ko, magkasama na kami sa bahay mula probinsiya hanggang dito sa manila..nung bata kami, magkalaro pa kami..

pero, siguro kagustuhan ng Diyos to..wala naman tayong magagawa ganun talaga..biglaan lang kasi..ang hirap lang kasi na ngayon ko lang nakikita na ganito kalumbay yung pamilya ko.nasanay kasi ako na masaya kami palagi kahit may mga problema..di ko talaga ma-imagine na may mawawala na sa isang one big happy family..pero malay natin, may milagro pang gawin si God, wala namang imposible eh..

sana ipagdasal ninyo! salamat!

1 comment:

Lyka Bergen said...

Paano mo madama ang kasiyahan kung walang kalungkutan?

Ganon talaga ang buhay. Sige na nga. Ipagdasal na kita.

Amen!