oh well, busy-busyhan ang lola nyo dahil nga kinakarir ang thesis chuvaness..kakaloka kasi solo flight talaga kami na para bang isa kaming buong kumpanya na lahat ay kami ang gagawa..so far, kahit medyo pressured, enjoy naman ako..kaso nga lang di ko talaga feel ang execution, di ko talaga pinangarap na maging graphic artist, although nakakagawa naman ako ng maayos, di ko lang tlga ito gustong karirin..eh mas gusto ko kasi ang conceptualizing plus marketing kaya naiinis ako pag puro revisions ang logo at designs eklavu..
at dahil nga ginagawa ko ng nakangiti ang thesis ko ala lea salonga, ay okey pa naman ako..aba dapat lang na enjoy ka itong gawin para di ka pressured at di ka ma-paranoid..saka na lang ako magpaparanoid kapag endorsement at deliberation na..
pero para mas enjoy sa paggawa ng thesis, narito ang ilang mga dapat gawin para mas maging makabuluhan ang paggawa ng thesis..
1.sleepovers..ay nako, hobby ko na ang magsleepover sa kabahayan ng mga friendiva ko..una, kina itlog kung saan ay para na kaming boarders..pangalawa ay kina jemma at balak pa naming tumira dun next week para mas bongga..in fairness naman ay mas nakakagawa kami kapag magkakasama, mas ganado at mas nagtutulungan pa kami..lalo pa't mga di natutulog ang mga kasama ko kaya walang habas ang aming paggawa..
2.be resourceful..aba dapat resourceful ka talaga, dapat marami ka ring friends para more more tulungan galore, pero wag dapat maging makapal ang mukha ng sobra..yung tama lang..kung kulang sa budget, well matutong magtiis, maraming paraan dyan..at dahil nadukutan ako ng usb at ayokong bumili ay dapat ay isave sa email ang mga files para may kopya ka kapag nabengga pc mo..o isave mo sa usb ng friend mo..mga ganung eksena ay nagagawan ng paraan..kung walang pambili ng ink, mag-isip ng paraan..tulad ko, nanghihina na ink ng printer namin kaya imbes na black, gawing red ang fonts, mas colorful pa divah? iprint ito sa scented paper ala elle woods para mas matuwa ang adviser..
3.magtanong sa expert..wag nang mahiya, kapalan ang mukha at magtawag sa mga opisina ng mga experto..at dahil nga ang tiya ko ay may friend na nagwowork sa ad agency ay may access ako at walang habas akong sumusugod sa opisina sa makati para magtanung-tanong sa mga empleyado doon na may kinalaman sa media planning, events planning at marketing, promotions at advertising..kapag naroon ako sa opisina nila sa philam tower sa makateeee, ay nako ang saya ng feeling, ewan ko ba,basta nasabi ko sa sarili ko na one day, magiging makati girl din ako..
4.maglakbay..pumunta sa mga lugar na may kinalaman sa thesis mo para na ring two in one drama kasi nagreresearch ka na, rumarampa ka pa..tulad nang pagpunta namin sa mall of asia para occular inspection chuvaness at sa ccp para tignan ang description ng place..pati na rin ang interbyu ko kay joey ayala habang tumutugtog siya sa conspiracy garden..basta, dapat ay prepared ang mga paa mo sa lakaran at magdala ng maraming anda para sa food at more more pamasahe galore..
5.gumawa ng list at time management..dapat may checklist ka para di ka nalilitong gawin ang mga dapat gawin..pati ang time management..dapat may goal ka rin para mas ganado kang gawin..in fairness naman to me, may sked ako sa mga dapat gawin kahit paisa-isa..kung di pa magawa ang ibang dapat gawin, gawin muna ang ibang part..mas fulfilling kapag may nagagawa ka kahit konti lamang..
6.find ways to entertain yourself..di dapat evryday ay thesis ang iniisip mo..although, di yun maiiwasan na isipin dapt mga kahit ilang oras lang ay may time ka to relax para di ka naman maloka..like last night, my tita and i went to zirkoh for some booze galore and laugh trip..pati dapat watch ka din ng movies..finally napanood ko na din ang chocolat at next ko na ang babel at little miss sunshine..mas maiinspire ka at mas gaganahan ka kasi pag happy yung thoughts at magaan yung feeling mo.
7.resist temptation..ay nako, mahirap yan pero dapat ay wag munang magkeme o mamboys o kung anuman para di makagulo sa isipan ang kung anu-ano at maka-focus ka sa iyong ginagawa..tamang pakikipaglandian lang muna siguro..
8.be positive..dapat talaga ay lagi kang positibo..iwanan muna ang problemang pampamilya at wag papaapekto dito..wag munag isipin ang lablayp at wag munang isipin kung bakit wala ka paring boylet ngayon..may panahon para diyan,makakgulo lang sa iyo yan..isipin mong kaya mo ang lahat at isiping magagawa mo ng matagumpay ang iyong thesis..wag itong masyadong isipin para di ka stressed o masiraan ng bait at sabihin sa sarili mong "kaya ko ito".
9.magtiyaga at huwag selfish..syempre kailangan ang pagiging matiyaga noh, bawal ang tatamad-tamad at habang may oras ay gumawa kesa nakatengga ka lang diyan..dapat din naman ay may time ka rin para sa ibang subjects baka kasi mapabayaan mo na ito, di ka rin makakagradweyt pag nangyari yun.kaya tiyaga lang sa lahat ng mga asignatura..sabi ko nga, tamang time management lang..at oops, syempre huwag maging selfish, yung tipong kapag may alam ka, ishare mo sa iba, hindi yung sasarilihin mo lang para bumagsak yung iba.isipin ang kapakanan ng iba mong friends at klasmeyts..magpahiram ng references at materials kung kailangan..baka kasi sa sobrang selfish mo, makarma ka..we dont want that to happen di ba? so magtulungan para sa ikauunlad ng bayan..
10.have faith in Him..ito yung pinaka-importante sa lahat..two weeks na kaming nagsisimba ni jemma sa st jude every saturday at nag-aalay ng kandila at gagawin namin iyon hanggang matapos ang thesis..sabi kasi nakaka-help daw talaga yung pagsisimba duon..pero syempre dapat gawin mo rin yung part mo, di yung nagdadasal ka nga, e wala ka namang ginagawa di ba? do your best para naman di nakakahiya kay lord..ayun basta dapat malaksa ang faith mo kay God..the best siya
o ayan ang ilan sa mga ginagawa kong paraan kaya sana naman magbunga ito..pray din kayo for me ah and i'll pray for your happiness..ciao..mwah!
Friday, November 23, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
nahiya ako sa tips. haha
hi...i think i know you...hahahah HOy bakla! may blog ka pala! nagssearch kasi ako ngayon sa yahoo tas nakita ko itong site na ito at sabi ko sa sarili ko "wait, familiar ang kabaklaan nito....."hahah i love you bitch!=) add kita sa link ko!=) -em
@KC:ganun tlga ang tips noh haha
@em: ohmygod my em dear, nadiskubre mo ang isa ko pang kabaklaan haha..link din kita ah..hehe..thans..i lvoe you bitchy bitch
a loud round of applause. a thousand batt of long eyelashes.
Miss ko tuloy ang mga toh. True ka sa #10. Viva Victor Basa! Chos!
career yang mga sleep over... may mga ligayang taglay yan minsan
woof!
Post a Comment