pagkatapos ng masayang post ko ay eto naman ang isang kalungkutan mode..kahapon kasi ay na-sad talaga ako dahil nagbenggahan at awayan ang dalawa kong tiyahin..hate na hate ko pa naman yung may nag-aaway as in, sana di ko na lang narinig yung mga awayan galore nila..dahil sa pera, saan pa?..hayy oo nga naman, ang pera talaga noh? kakainis..
kakatamad pa naman ng panahon kahapon, umuulan at kaysarap lang talagang humilata sa kama..at dahil nga nangyari ang di inaasahang tagpo, wala akong ibang ninais gawin kundi umalis ng bahay kaya text ako agad kay jaymar at tinanong kung nasan siya..sabi ni ate ay nasa tomas morato daw siya kapiling ang ilang AA peeps..sabi ko go ako..tinext ko rin si itlog at sinabing duon muna ako matutulog sa kanila..pumayag naman si ateh..
so yun nga kahit umuulan, gora ako sa seattle's best kung saan nandun sina jaymar,xi,mingu,marianne,fhadz,marky at jaimee..kwentuhan pero more on games chorva..super ingay kasi exciting ng mga memory games chuva..kahit paano ay nawala ang kalungkutan ko..may dala akong backpack kaya sabi ko naglayas ako pero may paalam..sabi ko ayoko lang muna sa bahay..gusto ko kasi laging masaya at may peace of mind kaya ayoko muna sanang ma-witness pa yung mga pangyayari ..matatanda na ang mga tiyahin ko kaya dapat alam na nila yung tama at mali..hindi dahil sa ayoko silang tulungan pero nakakasawa na yung parati na lang may awkward moments sa bahay..
mga alas siyete ng makarating ako kina itlog,nanood sila ng one more chance ni meh kaya may pasalubong silang chef d angelo pizza sakin plus bibingka from manong tindero sa tondo..ayun kwentuhan about the away galore sa bahay..nasabi ko tuloy na gusto ko pag may trabaho na ako ay maging independent na ako para naman wala nang maging conflict kung makiki-share pa ko ng apartment sa kanila..gusto ko nga magrent ng apartment kasama si jaymar..nalulungkot kasi ako na kasama ko nga sila sa bahay pero andami namang mga awayan at tampuhang nagaganap..
nanood kami ng mga teleserye at pbb at happy mode naman ako, sabi ko "parang di ako malungkot ah",..ganun kasi ako..masayahin pa rin..wala rin naman kasing mangyayari kung mag-sulk lang ako the whole time..talagang super affected lang ako sa mga nangyayari pagdating sa pamilya ko..
ala-una na pero gising pa rin kami ni itlog..habang gumagawa ng thesis with all the SWOT analysis and marketing mix ay napag-usapan namin ni itlog ang problema ko na madalas rin naman niyang problemahin pagdating sa pamilya niya..napansin namin na bakit ganun yung mga tao sa paligid namin, na parang selfish kasi kapag nag-aaway sila, di nila naiisip na mas naaapektuhan yung mga tao sa paligid nila, yung mga taong concerned at worried sa mga nangyayari..sabi ni itlog na ipagdasal ko na lang daw, na yun din naman ang madalas kong ginagawa na very effective naman talaga..sa family kasi namin, kapag may conflicts, ako yung laging namomoblema, yung tipong nag-iisip kung bakit nangyari yon..kung bakit nila nasabi yun sa isa't isa..kahit mali sila, di ko naman sila pwedeng mapagsabihan kaya ipinagdarasal ko na lang na sana marealize nila yung mga kamalian nila..nasabi ko kay itlog lahat ng mga hinaing ko sa family ko..ang akala kasi ng iba wala kaming problema, pero ang nakakalungkot kasi ay yung problema ay sila-sila nag-aaway..tipong sa kanila din nagmumula yung mga problema..
pagkatapos ng aming pag-uusap ni itlog ay nahiga na kami, nagdasal ako at na-feel ko yung pagkagaan ng loob..
kanina, sad pa rin ako, ayoko pa talagang umuwi pero kasi darating yung tatay ni itlog kaya no choice, niyayaya ako ni jemma sa kanila matulog pero sabi ko wag na dahil hassle para sa kanya..nagkita kami ni jaymar accidentally sa library at sumama ako sa kanya sa rehearsals ng org niya..dumating din si judee at nakapagshare ako ng nangyari sa bahay..inabot na ako ng gabi sa ust dahil ayoko ngang umuwi pa sa bahay..sabay kami umuwi ni jaymar..
ngayon andito na ko sa bahay..parang wala namang tensyon na nangyayari pero mga cold treatment naman ang mga susunod na eksena dito..pero umaasa ako na matatapos din ito at magiging okey ang lahat,..challenge ni god to at everything happens for a reason naman..ang gusto ko lang naman kasi ay yung maayos at masaya ang pamilya ko palagi..
Friday, November 16, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Ang 'masaya' ay hindi masaya kung wala ang kalungkutan.
tama ka ate lyka..yan din palaging iniisip ko na hindi naman dpat ay lagi kang masaya, wlang spice ang life kung walang kalungkutan..haha..
alam ko ung pakiramdam na yan. nung magulo pa dito nun ganyang ganyan din ang pakiramdam ko. hehe magulo parin dito pero tintry ko nalang di makialam pero kahit ganon, naaapektohan parin ako. normal lang siguro un, ung kahit di ka involved, ikaw ung nalulungkot.
agree ako kay tiya lyka! mas masayang mabuhay kung may lungkot ding kasama!
besides we are "gays" kaya dapat happee toothpaste tayo. chos.
ayoko sa happee toothpaste. kasi si leah salonga ang endorser non. char!
as for sadness, take it with a grain of salt. it will taste good eventually.
taste it, don't wallow in it.
Post a Comment