Tuesday, November 13, 2007

happy childhood

shet ang tanda ko na pala..nakakainis at beinte anyos na ako..iba na yung mga ginagawa ko sa mga dati kong ginagawa..mas seryoso na rin pati mga topic at pag-uusap namin ng mga kaibigan ko..madalas malalim..samantalang nung hayskul ay nabubuhay kami sa mga teenybopper moments namin yung meron pang codename sa mga crush and all..puro kalandian lang..ngayon puro future na yun tipong "oi ano kaya magiging trabaho natin? haaay..di tulad nung bata pa ko, walang masyadong iniisip..di ko na rin naman prinoblema yung pagiging bakla ko dahil dedmalaysia naman ang family kung anong sekswalidad ko at tanggap nil ng buong puso't kaluluwa.

ang sarap gunitain noong kabataan at musmos pa lamang tayo ano? basta ako, masasabi kong happy ang childhood ko..yung tipong malaya akong maging masaya at ma-explore ang mga bagay-bagay at damhin ang mga imahinasyon at pangarap na binubuo ng aking pagiging bata.

noong bata ako,madalas akong mapalo ng tiyahin ko, sabi matigas daw ulo ko, porke mahilig lang akong maglaro sa bukirin at ng mga takbuhang laro, nagagalit na..tamad din kasi akong maligo noon..maski ngayon..chos!..masaya noon sa barangay namin,tiyak ko kaiingggitan kami ng mga mayayamang bata na takot ang mga ina na makipaglaro sa mga batang lansangan kaya ikinukulong ang mga anak nila sa bahay..well, wala naman kasing ganun samin..sa mga tv lang meron nun,sa hirayamanawari o wansapanatyam..

ang mga kalaro ko ay madudungis pero mahal ko sila..iba yung mga amoy pramis..at ang mga kasuotan nila ay kahindik-hindik..pero sabi ko nga mahal ko sila ah..sa aming mga magkakalaro ay ako lamang ang nakapag-aral sa praybeyt katolik iskul..mayaman kasi kami eh..chos! samantalang sila sa public lang, pero kinainggitan ko iyon ah,kasi naman sila tuwing papasok ay sabay-sabay dumadaan sa pilapil..may mga times na pumupunta ako sa skul nila para makipaglaro..

yung mga usong laro noon sa amin ay yun tipong pampalaksan tulad ng piko, patintero, taguan, luksong baka at kung anu-ano pang nakamamatay na laro..kahit bakla ako ay di ako lampa at naaakyat ko ang mga matatayog na puno ng mangga pati ang puno ng sampalok at bayabas..at dahil ako rin ang pinakamatalino sa kanila hahaha, ay ako rin ang parating titser sa larong titser-titseran..pagdating naman sa bahay-bahayan ay parating kaibigan lang ang role ko..wala naman kasi akong crush na kapitbahay ko kaya ayokong maging nanay..

madalas rin kaming maglaro noon sa kabukiran ng kung anu-anong maruruming laro..nanghuhuli ng kamaro, namimingwit ng palaka, naglalaro sa putikan, naliligo sa sapa, nangunugha ng tulya sa ilog..kadiri anoh? pero masaya..

tuwing hapon naman ay sabay-sabay kaming manonood ng mga cartoons sa telebisyon ng kapitbahay..uso noon ang princess sarah, tom sawyer, peter pan at dragon ball z..pagkatapos ay maglalaro ng jumping rope o sipa bola o taya-tayaan sa may damuhan pati na langit lupa..

nakakamiss ang pagiging bata..habang tumatanda ka kasi ay nadadagdagan ang mga responsibilidad mo at di mo naman ito pwedeng balewalain o dedmahin dahil dito nakasalalay ang iyong kinabukasan..

5 comments:

kalansaycollector said...

ay naman ateng! well ako wala rin akong masabi sa aking childhood. ayoko kasing maging masaya non! haha. wala akong pinagsisisihan noong bagets pa lang akey.

nalaro ko ang lahat ng laro except laro sa apoy. ahihi. nako nakalaro ko mula mga bruskong boylets hanggang sa mga skwatting na madudungis. nalaro ko ang baril-barilan hanggang sa bahay-bahayan at pati mga power-poweran. hay. i miss my childhood na wala akong iniindang problema... basta noon ayoko lang maging taya! ;p

aj sotteau said...

ahihihi..ayoko rin namang maging taya noon..kakaimbey kaya yun!

pero wag ka,bata pa lang ako noon at musmos pa lamang, pero natutuo na ako agad maglaro ng apoy..ahihihihi

Kiks said...

ay, magkawavelength ba tayo, ineng? naalala ko rin ang aking childhood sa aking latest post - ibang karakter nga lang.

pero tunay ka, masarap maging bata. naalala ko tuloy si MMSS, ang aking childhood crash.

gari salvador said...

haha kung may crush ka malamang papayag ka mag-nanay ano.

aj sotteau said...

@kiks: masaya tlga pag bata ngayon kasi medyo tumatandercats na drama natin anoh? kayhirap isipin

@gari: hello dear, kurek..kaso walang boylet saming baryo nun eh hehe..