ang tagal kong nawala..ako ay naloka sa aming barrio..halos nagkulong lamang ako sa bahay dahil minsan umaatake ang pagka-moody ko dahil sinech ba naman ang kakausapin ko na makakarelate sa mga kwento ko at sa lifestyle ko?
nakakaloka dahil napakakunserbatibo ng mga tao duon..pinakita ko ang aking mga larawan sa neighbor ko at bakit daw ganun mga posing ko? di ba nila inisip na iyon ay "art op potograpi"?
minsan ay naglakbay kami ng tiyo ko sa isang liblib na barangay upang bumili ng kambing, sumama ako para maghanap ng boylets pero nabigo ako dahil zero talaga..at lahat ng mga tao duon ay talagang nakatingin sakin, di ko alam kung nagagandahan sila o naloloka sa kulay green koNg bangs.
di na rin ako sumama sa sementeryo dahil masasayang lang ang pagpapansin ko dun..por shur marami namang mga nakasuot ng fake na chanel, mango at roxy shirts and blouses duon plus peyk havaianas..kahit naman mag-effort ako ay dedma lang..wala pang boylets dun..
minsan naman ay nagtanong ako sa kapitbahay ko ng "may kilala ka bang boylet?" aba ang sagot ba naman sakin ay "may pera ka ba?" potah ha,ganun ba tingin nila sa mga bakla na kailangan magbayad para lang magkaboylet
eto namang isa kong neighbor sabi sakin "galing kang manila tapos nakashorts at tsinelas ka lang?"..naloka ako dahil dapat bang pumorma tuwing uuwi ng probinsya at excuse me noh, nakahavaianas ako at di hawaianas..pero syempre, di na ko nag-explain kasi di naman nila ma- gegets..
nung bertdey ng lolo ko, naloka lahat ang mga oldies na kamag-anak sakin dahil bakit daw ako nagkaganun? kaloka, paki-explain nga po sakin yung nagkaganun..porke, may kulay lang ang buhok ko aba ang tingin na sakin ay baklang-bakla.."try ko daw manligaw ng babae" nakakalurkey..
minsan nakasuot ako ng graphic design shirt from team manila with text na nakasulat na "tapsilog, longsilog, tocilog, etc" aba, kumento nila ay bakit daw ba ganun mga sinusuot ko..
one time big time naman, habang nakatambay ako sa ilalim ng puno ng mangga, nasambit kong "masakit kasi ngipin ko, kasi kaka-adjust lang ng braces ko" aba sabi ba naman ni nieghbor "bakit kasi di mo muna tanggalin yan, para di ka nasasaktan" at sa tono nang pananalita niya ay parang ako pa yung tanga
nung bertdey ng tiyo ko, nanghingi ako ng red horse at biglang sabi ng kainuman niya "kaya mo ba yan?" hello, di ba pwedeng uminom ang bading at kayo lang bang mga tomador ang nakakainom niyan?"
sabi naman ng aming katulong na taga-baryo din namin "bakit tanghali ka nang nagigising?" naisip ko "bakit bawal ba?"..porke lahat ng mga tao samin ay alas sais pa lang gising na, bawal na ba matulog hanggang alas dose ng tanghali?
ang mga ganyang eksena ang nagpapalungkot sa akin pagdating sa aming baryo..di na lang ako nagsasalita dahil ayoko namang makasakit ng aking mga kababaryo..don't get me wrong pero mahal ko ang aking barrio..nakakainis lang dahil ang dami pa nilang di naiintindihan sa modernong pamumuhay..
nanood na lang ako ng antm at lost at qaf buong sembreak at di ko naman pwedeng ichika sa kanila yun dahil never naman nilang ma-aapreciate yun..
other than dat, okey naman ako dahil nakabonding ko family ko na naiintindihan ang mga keme-kemerlou kong gawain..nagpicturan kami ng mga pinsan ko ala antm, naglaro ng super mario at kinulot ko ang pinsan ko gamit ang tangkay ng madre kakaw..sabay sabay kaming kumakain sa bago naming lamesa at sabay-sabay nanonood ng PBB ..
so now im back here in manila at pasukan na so more more trabaho galore sa thesis at kug anek anek pang mga asignatura..
Monday, November 5, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
heheh funny naman ng article mo...ganun talaga sa aliaga, pero okay naman jan esp sa bibiclat.
namiss ko tuloy bigla ang cabanatuan city...ang aking bayan...
ateng kalerkey nga! haha
more boys dapat sumama k sa seminteryo winner pag gabi dun db?!
@prinz: ang taray nabasa ko blog mo at di ko kineri na bloomnig pala ang gay lifestyle duon..never kong naexperience yun..wholesome kasi mga frends ko
@mrs j: kurek kaloka nga..kaso naman nakakatakot naman sa sementeryo,di dahil sa may mumu kaso dami-daming tao dun parang pyesta baka mahuli kami haha
naloka ako sayo. haha di mo pa pala natatanggal ung kulay ng buhok mo. parang nabore ka lang sa pag-uwi mo. buti nakapagpictorial ka. ate olaguer tayo!haha
ateng gari, nagpakalbo na ako haha..natatakot kasi ako sa mga gwardya sibil ng cfad eh haha..anyway,true ba na olaguer tayo? kalowkah
sabi ni kabayan benas daw nakita nila sa sked pero sabi mo raw ay olaguer. naguguluhan at ninenerbiyos na din ako hahaha.
you should go to cabanatuan sometime kasi andaming cute dun heheheh...
ayan may taga cabanatuan pang nagcooment! sushal.
di ko pa ito nababasa! time na kasi. wait! ill be back!
ayan may taga cabanatuan pang nagcooment! sushal.
di ko pa ito nababasa! time na kasi. wait! ill be back!
nabasa ko na sa wakas.
anyway kaloka mga tagaaliaga ha? wahahaha
buti pa sa cabanatuan! go ka na lang sa caalibangbangan.
ikaw na ang Adja la del Barrio.
Parang Marimar ang dating. Kakaibang feeling.
Graphic artist ka ba talaga? Magsulat ka kaya?!
Ang train of thought parang trahe de boda - nakakaloka!
@gari: naku ateh, wala ko sinabing olaguer naku sana talaga hinde
@prinz: feeling ko pag gabi lang lumilitaw ang mga cutie boys of cabanatuan..pag nasa pacific ako wala ako matanaw
@kalansay: naku ateng, ganyan din sa cabanatuan akala mo lang hinde..
@kiks: gusto ko din talaga magsulat kaso wala akong natatapos parating nasa utak lang haha..
Post a Comment