Wednesday, November 7, 2007

aj's top 10: UNTM: ust's next top model (tagged by mrs j)

dahil wala ako maisulat na mga boylets ko sa barrio ko na suhestiyon ni misis j, eh ito na lamang ang aking naisip..ang ust's next top model..taray haha..inspired by ate tyra's antm eh namili ako ng top ten creative pix at ta-ran eto sila..sampung creative people na pwede ring maging model-modelan kaya levelan sila ahaha..
1.Sainah Benz Alonzo (photo by:Benz Alonzo, styling : Benz Alonzo)- mataray itong si benz dahil super galing niya mag-edit and all..multi-tasking si ateh at sa mga pag-eeksperimento niya sa mga larawan ay winner siya..multi-tasking kung baga dahil siya na ang photographer, stylist, model at nag-eedit..dahil sa pagkahilig sa potograpi ay ito ang napili niyang topic sa thesis tungkol sa mga may ADHD..challenging kaya sana ay magtagumpay si ateh
2.Argel Joseph Sotto (photo by: Sheryl Apaga, styling: Em Rejano)- mahilig si bakla (aka yours truly) na magposing at feeling niya talaga ay model na model sya..mahilig sumali sa mga art contest di dahil gusto niya kundi required ng mga propesor..pangarap niyang maging fashion stylist at copywriter someday..


3. Mary Ann Sy (photo by: Sheryl Apaga, styling: Benz Alonzo)- si meh ay uber OC pagdating sa potograpi, pero ang mga gawa niya naman ay astig and cool..finalist siya sa katatapos lang na "Shell Digital Art Contest" kung saan pinagcombined niya ang potograpi, art of photoshop at katawan ng boypren niya


4. Jaymar Castro aka KalansayCollector (photo by: Jhey Dela Cruz, styling: Jhey Dela Cruz)- ang isang baklang ito na ala-Furonda ang byuti ay talentado sa pagsusulat at pag-arte sa teatro kugn saan ay myembro siya ng Artistang Artlets..nanalo na rin siya ng karangalang banggit sa Gawad Ustetika noong 2006.

5. Jason Dela Cruz aka Mrs J (photo by :Jaymar Castro, styling: Jhey Dela Cruz)- kung PR ang labanan ay kabog kayo ng ate niyo, pati na rin sa aktingan sa teatro at sa pagmamake-up at pag-organize sa mga events ng skul ay panalo si ateng..malakas sa masa dahil sa kanyang charm appeal..taray ni ateh..


6. Cara Gonzalez (photo by: Em Rejano, styling :Em Rejano)- once ko pa lang naging klasmeyt si Cara, sa aming ad production class although di kami close ay nice naman siya..model-modelan din ang drama ng ate niyo at recently ay nak-feature sa fashion spread sa Chalk magazine.
Em Rejano and Cara Gonzalez (photo by :Sheryl Apaga)

7. Mirma Olympia Rejano( photo by : Em Rejano, styling; Em Rejano)- oha, name pa lang panalo na haha..uber talented itong si ateh..sa pag-eedit pa lang ng mga larawan winner na, pati sa painting and modeling bihasa si ateh..nanalo siya ng poster design contest noong 2006 para sa Robinsons dahil sa kanyang fabulous work.
8. Sarah Demetria Gaugler (photo by: Sheryl Apaga, styling: Em Rejano)- may lahing german si ateh sarah kaya medyo inglisera si ateh pero friendly naman siya..si ateh ang nagdesign ng 2nd album ng Orange and Lemons at lumalabas din siya sa mga MTV tulad ng Lando, among others..
Em Rejano and Sarah Gaugler (photo by: Benz Alonzo)
9. and 10.Mary Agnes Austriaco and Mithi Winona Lacaba(photo by: Wendyll Chan, styling: Agnes Ausrtiaco)- pretty itong si Agnes at akala ng iba ay suplada siya pero nice naman..model-modelan din ang drama niya..officer siya ng Advertising Org sa skul namin..Si Mithi naman ay isang Pinay byuti..pangalan pa lang pinay na pinay na..mahilig sa potograpiya at fashion si ateh at ang kanyang napiling thesis ay ang mga Badjao ng Sulu at Tawi-tawi in photography category, kaya goodluck sa kanya


so ayan na ang aking own version ng ust's next top model..wahaha..misis j, pasensya na at nakasama pa tayo..ang ganda kasi natin..chos!!

13 comments:

kalansaycollector said...

wow soshal! fierce! ahahah

ayokong magpalda riyan no? namiss ko tuloy ang aking larawan. haha

kasama ng larawan na iyan ang isa ko pang fierce na kuha na nasa blog ni mrs. j. the gender bender fotog finals.

http://reigningmrs.blogspot.com/2007/10/adventures-of-bakchik-fotog-finals-sa.html

i love it ate! panalo! ang tataray ng mga friends mo ha? hahahaha lalo na ako. chos.

aj sotteau said...

ang bilis ng kumento ateh..iniisip ko pababa ka pa lang ng hagdan, pero nakapgkumento ka na..o divah mataray haha..soshal

kalansaycollector said...

of course.
mabilis. haha

Kiks said...

the pictures are simply amazing. tama si KC, ang fierce!

i bow down to the greatness of this post.

Gayzha said...

bat di ako kasali dito???

aj sotteau said...

@KC: haha gaga ka..may sore eyes ako..kainis,ikaw na si KC ngayon ah..KC montero

@kiks: uy thank u kiks..sobra haha

@gayzha: uy..sino po kayo? hehe..next time sama kita pero di available profile mo po

mrs.j said...

haha...

i love it! pero sana na wait mo ang iba kong pix haha!!

irita dapat ung may boobies!!!! grrr.. haha

salamat sa effort!

aj sotteau said...

mrs j

naku, ipost mo na agad para pwede kong idagdag if ever haha

kalansaycollector said...

ay sushal ang pagbow down ni kiks! we are so humbled. hehe.

ang hirap maging maganda. nakakapagod na. hay.

CHAROT!

Bryan Anthony the First said...

i sooooo like this post... i love the rainbow colored sock (isa lang nakita ko kaya sock)

woof!

aj sotteau said...

salamat po bryan..haha..bratz yung sock..haha..at akin talaga iyon..sinusuot ko sa iskul haha

Lyka Bergen said...

Winner ang Cara Gonzalez! Second ka lang AJ. Sori ka!

aj sotteau said...

hahaha..keri lang sistah lyka mas pang masa byuti ko..ahaha..chos