Friday, September 14, 2007

saan ako patungo?

kanina ay nagkaroon kami ng career seminar..masaya naman dahil maayos ang speaker na si mister anlex basilio na isang propesora sa la salle at ust at dating art director, merchandiser at package designer..ang gaganda ng mga sinabi niya at naisip ko ay kung paano ba ako pagkatapos kong magtapos..kaybilis nga naman ng panahon ano? dati ay pers year lang ako at wala pang alam sa arts at advertising..ngayon, lalo akong napamahal sa kurso ko at dahil kayrami ko ring challenges na pinagdaanan..

kung ang karamihan sa mga kaklase ko ay nais maging graphic artist o art director, ako naman nais kong maging copywriter o syempre kung susuwertihin maging creative director. pero basta kahit anung posisyon sa ad agency. gustong-gusto ko kasi dun magtrabaho..alam ko kasi masaya dun at maayos naman ang sweldo..naeexcite ako kasi ilang buwan na lang pwede na akong mag-apply kaso nakakatakot, syempre yung pressure at yung fear of rejection, lalo pa't di naman matataas ang grado ko..

gusto ka rin sana sa marketing o sa accounts o sa PR o brand managing..haay basta ayoko yung tungkol sa may arts, mas keri ko sana kung sa tipong marketing o communications..kahit na nga ba fine arts ako, mas gusto ko yung marketing side pero gusto ko din sa creatives pero dun sa conceptualization huwag lang sa execution.nakakakaba talaga pero hopefully after grad, gusto ko sana magtrabaho agad.kahit mababa lang posisyon, syempre lahat naman nagsisimula sa mababa di ba?basta sana sa ad agency o sa magazine, pwedeng fashion stylist o sa copyo kaya kahit saang malaking kumpanya basta related sa kurso ko..haaay isang malaking good luck sa akin noh? at sa lahat ng gagradweyt ngayong taong ito.

3 comments:

Lyka Bergen said...

Kung saan ang talagang gustong gusto mo... doon ka! Yun lang ang maipapayo koh! Good lUcky Manzano!

aj sotteau said...

salamat ate lyka ugarte este lyka bergen

Kiks said...

ay winner yang si lyka ugarte at some point.

goodluck bakla.

be a diva but not a prima donna.