ako ay nagbalik..
pagkatapos ng ilang araw na pagkakasakit ay narito na akong muli..hindi ba kayo nagagalak? kayhirap nga naman magkasakit lalo pa sa panahon ngayon na bukod sa mataas ang lahat ng bilihin ay marami pang gawain sa paaralan..nagsimula ang lagnat ko noong huwebes ng hapon..habang nasa silid-aklatan kami ni alfred ay nakaramdam na ako ng pagod at pananakit ng katawan.ninais ko sanang magpa-piggy backride kay alfie subalit nahiya ako..chos..
pagkagising ko noong byernes ay lambot na lambot na ako..please lang hate na hate ko pa naman ang malalambot..at dahil kailangan kong sumugod sa ma-ka-ree(makati) para sa isang panayam para sa thesis ko ay kinailangan kong kumilos..nagpaalam ako kay tiya eloisa na ako ay aalis ngunit maghahanap muna ng doktor na manggagamot sa akin para may basbas patungong makati..so naghanda ako at umalis armed with umbrella, water, extra shirt and extra stash of money..nagtungo muna ako sa v.luna hospital at nagtry na magpagamot pero sabi ni manong guard, anak lang daw ng mga sundalo ang pwedeng magpagamot dun..nyeta, choosy pa sila nun ah, naka-army pants pa naman ako nun..so go ako sa east avenue medical center at naghanap ng ispesyalista sa infectious diseases at yun nga, isang doktor danilo "sungit" castro ang aking natagpuan kung saan pinisil pisil lang niya ako at niresatan tapos nagbayad na agad ako ng 350 peysos..kaymahal..tinawagan ako ng mga concerned citizen patrol kong mga tiyahin na sina elizabeth at editha at nag-alala..pinapunta na rin nila si tiya emily para samahan ako..inintay ko pa siya ng matagal at na-witness ko pa na may namatay sa emergency room..nakalulumbay na pangitain iyon..
tumungo kami sa best diagnostic center para kuhanan ako ng cbc para sa blood count at platelet..baka daw kasi may dengue ako..syempre injection drama iyon..at gwapo ang medtech from uste kaya nakipaglandian ako "kuya, baka masakeeet..ohmygod kuya i hate blood"..ganon dapat..kahit maysakit..so yun nga after the tusukan moment with kuya ay pinakain ako ni tiya emily ng soup from mcdo plus gatorade then go flyaway na ako sa makati for the interbyu at nagtaxi na para mas mabilis dahil nga nanlalambot na ako..successful naman ang interbyu pero ang lagnat ako ay di naging successful..
the next day, pumasok ako nang saturday morning for esthetics kasi baka ma-FA na ako..pero di na ako pumasok ng PGC at buti ay wala kaming CGD..the whole saturday ay nakaratay lang ako sa bed and pati sunday..hanggang hapon ay never ever bumaba ang lagnat ko..kaya sinamahan na ako ni tiya elvira sa ust hospital para magpa-admit o kung anuman..pagdating dun,nasa emergency room kami..syempre may interbyu portion pa like name,age,sex,place,things,animals, define love mga ganun..so kinuhanan ako ng urinalysis at muli, kinuhanan ng dugo na dalawang tube pa, na ginawa ni cutie but chubby medtech guy na palihim akong inaasar ng tita ko dahil nag-iinarte daw ako na masakit porke gwapo si kuya chubby medtech..after akong one hour na mag-intay at ginawin ay ok naman daw, walang dengue o UTI o typhoid kundi viral lang talaga..pesteng lagnat yan..and yun nga continue the medication lang daw..at di ako na-confine..yey..ngayon magaling na po ako
ang hirap talaga magkasakit..akala ko ay katapusan ko na..never pa din kasi ako na-hospitalize at ayoko yung dextrose at yung feeling na nasa hospital..parang laging sad and gloomy..pero syempre sa pagkakasakit ko ang dami kong natutunan..dapat laging handa at alerto bente kwatro..magdala ng payong at uminom ng maraming tubig..eat more more fruits and veggies at huwag nang kakain ng dirttttyy na mga pagkain..dapat healthy living..iwasang magpagod at laging mamahinga..at uminom ng vitamins..
syempre naramdaman ko rin ang pagmamahal ng mga tiyahin ko..sa love, support, care and lahat-lahat na..hiyang-hiya nga ako sa kanila pero syempre ganun talaga pag pamilya..kahit lagnat lang iyon, naramdaman kong di nila ko kayang mawala..
and thanks kina ate myla, para sa paggawa ng plate ko sa txd..kay itlog, para din sa plate sa txd at sa pagdeliver nito from my tita to our locker..kay mika, jemma at monet para sa write up sa textile at studies..bwiset na textile yan pahirap..and of course kay papa god kasi pinagaling niya ako..ahihihi..mabuhay si god..mabuhay siya..
sana lang din gumaling na yung second degree tito ko na na-dengue kasi ang dami na nilang nagagastos eh wala na rin silang pera..and please pray for him..plus dun sa mga batang maysakit na SSPE na napanood ko kagabi sa correspondents..kasi ang hirap ng pinagdadaanan nila kasi lifetime na silang lantang gulay..and also suzanne, yung batang na-meet ko sa ust-hospital kanina na may cerebral palsy..pray lang kayo kasi for sure diringgin yan ni god..have faith..good night..mwah
Wednesday, September 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
yah yah oo naman..haha..kakahiya naman pero sige go lang haha
susmaryosep, sana gumaling na lahat ng maysakit...
btw pwede ba ex link sayo iha?
op cors op cors mr bryan anthony ahihihi
Post a Comment