Friday, September 28, 2007

pelikula at pantasya

kanina ay tumungo ako sa miriam college para suportahan ang kaibigan kong si lei para sa student filmfest nila kung saan ang buong communication arts students ay gumawa ng short film para sa film theories and practice course nila..at syempre proud ako sa jolikula nila dahil part ako nun..artista ako haha..pinamagatan atong gas break at tungkol sa road trip ng magkakaibigan na hinahalintulad ang life sa utot..at bading ang role ko..masaya naman kahit napagod ako sa shooting namin 3 weeks ago na ang nakararaan..pero ang taray nila ah, talagang pinag-effortan with all the crane,lighting,car,boom, crew,portalet,wardrobe at food..pati ang propesor ay hands-on din at naroon habang nagsho-shoot kami..eto ang larawan ko noon..baklang-bakla hindi ba?
speaking of jolikula..ano nga ba ang peyborit movie ko of all time? para sa akin, isa lang naman ang talagang nahuli ang puso at panlasa ko sa pelikula sa lahat ng aspeto nito..ito'y walang iba kundi....


Amelie..bonggang-bongga para sa akin ang pelikula na itosh starring my ever peyborit audrey tautou.mga ineng, ang kyut-kyut nito talaga..feel-good slash romance slash drama slash comedy na ay talaga namang nakakinlab..maayos ang pag-arte ng audrey at iba pang pranses dito..maganda ang sinematograpiya at syempre ang screenplay at ang pagkakadirihe ni jean-pierre jeunet..and i love the music, the sotry at yung buong concept..basta kayganda nito para sa akin..panalo talaga ang mga french movies..

pero kanina habang naglalakad ako sa UP ay sumagi sa akin ang mga pantasya ko..panu kaya kung gagawa ako ng porn movie ko? di ba masaya iyon? pangarap ko din yatang maging pornstar haha..eto ang aking top ten

AJ'S TOP TEN PORN FANTASIES

  1. makati working yuppies..ang eksena ay naglalalakad ako sa labas ng gusali sa makati..yung philam tower dun mismo..tapos nagmamadali ako kasi male-late ako at may dala akong mga papeles and all..so dahil di ko mapapansin ay makakabanggaan ko ang isang guwapong bachelor na may dalang starbucks coffee at matatapon ito sa damit niya..mabait si guwapong bachelor at magsosori kami sa isa't-isa.hanggang sa tutungo kami sa CR dahil may dala akong extra shirt..pupunasan ko siya at magkakatinginan na lang kami at yun na action na kami sa CR..
  2. barista buddy..dito naman mahilig daw akong tumambay sa starbucks at dun ko makikilala sa cutie bisexual guy..lalandiin ko evertytime na tatambay ako duon at maggigng freinds kami..one time, umuulan at basang-basa ako..papapasukin niya ako at magseserve siya ng mainit na macchiatto at sasamahan niya ako..keri lang daw kasi wala naman nang tao at pasara na yung istarbucks..ang istarbucks ay yung dun sa shaw sa may wack-wack kung saan wala masyadong tao..tapos mag-iinit ako dahil sa kape kaya yun na, mapapnsin niya at go na kami sa banyo tapos lights out at biglang tutugtog ang kantang "heto ako basang-basa sa ulan" ng aegis
  3. korean tutorial service..kunwari ay tutor ako ng isang korean teenage guy..mga sixteen years old siya at tinuturuan ko ng ingles..sa umpisa, di nya alam ang mga salitang fuck, suck and cock hanggang sa huli alam na niya..bilang final exam, yun na kami ay magkekemehan sa condo niya at magiging kami in the end..
  4. fitting room..isang araw kasama ko kunwari ang best friend ko sa isang mall..papasok kami sa isang retail store at aasikasuhin ng matipunong salesman..habang nasa loob ako ay magtatanong si salesman ng "sir,would you like me to join you" tapos yun na..action na..habang si bestfriend ang tatayong look-out..pagkatapos ng quickie sa fitting room ay parang walang nangyari at magngigitian lang kami habang binabayaran ko ang damit na may tilamsik pa ng shomod..eeww
  5. sa bukirin atin itong gawin..nagbakasyon ako kunwari sa bukirin pagkatapos ng mahabang panahong pananatili sa kamaynilaan..duon ay makikita ko ang kababata kong matagal nang naiwan..matipuno siya dahil sa kabubuhat ng palay at kapapastol ng mga baka..interbyu interbyu hanggang sa mauwi sa di inaasahang pangyayari..magnininig kami sa kubo niya habang nasa loob ng kulambo tanging ilaw ng bilog na buwan ang tumatanglaw sa mga hubad naming katawan at dumadampi ang malamig na simoy ng hangin..
  6. heaven with the flight attendant..syempre obvious namang flight attendant ang isa sa mga target market ko..syempre landian portion muna sa loob ng airplane..pero dito, dapat mas makati siya kaysa sa akin kaya mas magpapapansin siya.yung tipong lalapit siya with the lagkit look at sasadyain niyang madikit ang private part niya sa braso ko..hanggang sa magkaktinginan na lang kami at tutungo sa cr ng palihim.duon namin gagawin ang lahat habang tumutugtog sa background ang kanta ni moony na "flying away"
  7. galera native delight..nabasa ko dati na ayos daw ang mga native guys sa puerto galera..so isa yun sa mga gusto kong makakemehan..kunwari isa siyang diving coach at ako ay tinuturuan niya..pagkatapos ay ma-iistranded kami sa gitna ng dagat dahil masisira ang motorboat na aming sinasakyan..so magkukuwentuhan na lang kami hanggang sa mapunta ang topic sa sex at yun na ako yung gagawa ng move pero dahil malibog si native guy ay papayag ito.mangyayari ito mga alas tres ng hapon para tirik na tirik pa rin ang araw at magsisisiran kami
  8. library bj blow-out..kunwari ay geek ang drama ko dito at lalapitan ako ng isang bagong lipat na law student at magpapaturo siya sa pasikot-sikot sa library..mapapadpad kami sa religion section at bigla na lamang niya akong hihilain sa isang gilid duon at magki-kiss na kami at yun na..mabilisan lamang pero dahil magaling kami ay mas hot ang mga tagpo duon.
  9. horny nurse encounter..sumakit ang tiyan ko at nadehydrate kaya isinugod sa hospital..duon ay makikilala ko si cutie nurse at magakakhulugan ng loob sa tatlong araw na pananatili duon..isang beses ay wala akong bantay at tanging siya lamang ang naroon kaya nauwi sa kung saan ang tagpong iyon..at dahil maayos na ang pakiramdam ko noon ay maayos din naming naparaos ang maing romping dun mismo sa private room na iyon ng hospital..
  10. teacher, teacher teach me in bed..gwapo ang prof ko sa math pero parati akong bumabagsak kaya isang beses ay pinatawag niya ako sa opisina niya at pinag-usapan namin ang aking project upang makabawi..nung arwa na iyon ay nagpakita si sir nang motibo kung saan ay extra hard at felix bakat ang manoy ni sir..pinapunta niya ako sa bahay nila the next day para magpasa ng project..mag-isa lang si sir at naka-boxers lang..nagpamassage muna siya at hanggang sa nauwi sa isang masaganang sex ang pagpapasa ng proyektong iyon..

o diva bongga ang mga pantasya ko..ang saya-saya..kayo, ano ang mga pantasya ninyo? o siya paalam na bago pa ako magCUM dito haha

Wednesday, September 26, 2007

sa panahon ngayon, bawal magkasakit

ako ay nagbalik..

pagkatapos ng ilang araw na pagkakasakit ay narito na akong muli..hindi ba kayo nagagalak? kayhirap nga naman magkasakit lalo pa sa panahon ngayon na bukod sa mataas ang lahat ng bilihin ay marami pang gawain sa paaralan..nagsimula ang lagnat ko noong huwebes ng hapon..habang nasa silid-aklatan kami ni alfred ay nakaramdam na ako ng pagod at pananakit ng katawan.ninais ko sanang magpa-piggy backride kay alfie subalit nahiya ako..chos..

pagkagising ko noong byernes ay lambot na lambot na ako..please lang hate na hate ko pa naman ang malalambot..at dahil kailangan kong sumugod sa ma-ka-ree(makati) para sa isang panayam para sa thesis ko ay kinailangan kong kumilos..nagpaalam ako kay tiya eloisa na ako ay aalis ngunit maghahanap muna ng doktor na manggagamot sa akin para may basbas patungong makati..so naghanda ako at umalis armed with umbrella, water, extra shirt and extra stash of money..nagtungo muna ako sa v.luna hospital at nagtry na magpagamot pero sabi ni manong guard, anak lang daw ng mga sundalo ang pwedeng magpagamot dun..nyeta, choosy pa sila nun ah, naka-army pants pa naman ako nun..so go ako sa east avenue medical center at naghanap ng ispesyalista sa infectious diseases at yun nga, isang doktor danilo "sungit" castro ang aking natagpuan kung saan pinisil pisil lang niya ako at niresatan tapos nagbayad na agad ako ng 350 peysos..kaymahal..tinawagan ako ng mga concerned citizen patrol kong mga tiyahin na sina elizabeth at editha at nag-alala..pinapunta na rin nila si tiya emily para samahan ako..inintay ko pa siya ng matagal at na-witness ko pa na may namatay sa emergency room..nakalulumbay na pangitain iyon..

tumungo kami sa best diagnostic center para kuhanan ako ng cbc para sa blood count at platelet..baka daw kasi may dengue ako..syempre injection drama iyon..at gwapo ang medtech from uste kaya nakipaglandian ako "kuya, baka masakeeet..ohmygod kuya i hate blood"..ganon dapat..kahit maysakit..so yun nga after the tusukan moment with kuya ay pinakain ako ni tiya emily ng soup from mcdo plus gatorade then go flyaway na ako sa makati for the interbyu at nagtaxi na para mas mabilis dahil nga nanlalambot na ako..successful naman ang interbyu pero ang lagnat ako ay di naging successful..

the next day, pumasok ako nang saturday morning for esthetics kasi baka ma-FA na ako..pero di na ako pumasok ng PGC at buti ay wala kaming CGD..the whole saturday ay nakaratay lang ako sa bed and pati sunday..hanggang hapon ay never ever bumaba ang lagnat ko..kaya sinamahan na ako ni tiya elvira sa ust hospital para magpa-admit o kung anuman..pagdating dun,nasa emergency room kami..syempre may interbyu portion pa like name,age,sex,place,things,animals, define love mga ganun..so kinuhanan ako ng urinalysis at muli, kinuhanan ng dugo na dalawang tube pa, na ginawa ni cutie but chubby medtech guy na palihim akong inaasar ng tita ko dahil nag-iinarte daw ako na masakit porke gwapo si kuya chubby medtech..after akong one hour na mag-intay at ginawin ay ok naman daw, walang dengue o UTI o typhoid kundi viral lang talaga..pesteng lagnat yan..and yun nga continue the medication lang daw..at di ako na-confine..yey..ngayon magaling na po ako

ang hirap talaga magkasakit..akala ko ay katapusan ko na..never pa din kasi ako na-hospitalize at ayoko yung dextrose at yung feeling na nasa hospital..parang laging sad and gloomy..pero syempre sa pagkakasakit ko ang dami kong natutunan..dapat laging handa at alerto bente kwatro..magdala ng payong at uminom ng maraming tubig..eat more more fruits and veggies at huwag nang kakain ng dirttttyy na mga pagkain..dapat healthy living..iwasang magpagod at laging mamahinga..at uminom ng vitamins..

syempre naramdaman ko rin ang pagmamahal ng mga tiyahin ko..sa love, support, care and lahat-lahat na..hiyang-hiya nga ako sa kanila pero syempre ganun talaga pag pamilya..kahit lagnat lang iyon, naramdaman kong di nila ko kayang mawala..

and thanks kina ate myla, para sa paggawa ng plate ko sa txd..kay itlog, para din sa plate sa txd at sa pagdeliver nito from my tita to our locker..kay mika, jemma at monet para sa write up sa textile at studies..bwiset na textile yan pahirap..and of course kay papa god kasi pinagaling niya ako..ahihihi..mabuhay si god..mabuhay siya..

sana lang din gumaling na yung second degree tito ko na na-dengue kasi ang dami na nilang nagagastos eh wala na rin silang pera..and please pray for him..plus dun sa mga batang maysakit na SSPE na napanood ko kagabi sa correspondents..kasi ang hirap ng pinagdadaanan nila kasi lifetime na silang lantang gulay..and also suzanne, yung batang na-meet ko sa ust-hospital kanina na may cerebral palsy..pray lang kayo kasi for sure diringgin yan ni god..have faith..good night..mwah

Thursday, September 20, 2007

weak

haaay buhay..nanghihina ako ngayon..bakit ganon? masakit ang buo kong katawan at tila lalagnatin na naman ako..hello, tatlong lingggo pa lamang ang nakararaan nang ako'y inapoy ng lagnat..siguro over-fatigue lang talaga ako at laging kulang sa tulog..tapos kanina ay naglibrary pa ako with alfred tapos ang lamig lamig dun..haaay..i have a plate to finish pa at may iinterviewin pa ako sa makati bukas..please lord, wag sana akong lagnatin..



alam ko na, kung bakit ako nanghihihina at tila nagbabadya ang lagnat..ito ay dahil nag-studio tour kami kahapon sa ABS-CBN..nasira ang plano ko kahapon dahil umulan..lahat yata kami ay excited lalo pa't maraming celebrity ang makaka-rub elbows namin..so pagkagising ko nga, wala si haring araw at kaylakas ng ulan..ang original plan ko ay sumakay ng dalwang jeep at lakarin mula edsa ang ABS CBN, pero dahil sa ulan ay naiba ang plano ko..syempre pinaghandaan ko ang outfit ko..pink billabong shirt, skinny jeans and my trusty chucks..wala akong dadalhin na bag dahil sagabal iyon..at ayokong magdala ng payong dahil dyahe atmaarte ako..so pagbaba ko, naghanap ako ng cab sa may kanto ngunit lahat ay maysakay..so pumara ako ng tryke at tumungo sa may GMA 7 at duon magbabakasakali na may dumaang taxi..



pagdating ko duon sa GMA ay mabigat ang trapiko at ako'y nababasa na..lahat ng taxi maysakay punyeta..nag-abang ako sa may tapat ng DILG building at nako may kalaban pa akong ateng majubis na nag-aabang..biglang paglingon ko ay nakita ko ang tiyahin ko na patawid dahil papasok siya sa trabaho..so nilapitan ko at sinamahan akong mag-abang pero puta trapik nga so di gumagalaw ang sasakyan..AYOKONG MA-LATE SA TOUR PUNYETANG ULAN YAN..sabi ko sa ityahin ko, tatakbo na ako..



so tumakbo na nga ako.para kong si sisa na tumatakbo at sinisilip-silip ang mga taxi kung maysakaya pero lahat ay meron..ilang waiting shed din ang hinintuan ko upang mamahinga..hanggang sa nakarating ako sa may isang street malapit na sa quezon avenue..duon, pumara ako ng pedicab..may kasabay ako sa pedicab, ang isang ateng mahadera..punyeta, nagpunas muna siya ng upuan nang kaytagal tagal at di man lang naisip na nakatayo ako sa gitna nang ulan..so yun nga, nakarating ako ng ABS-CBN at nakakahiya dahil sa pedicab ako bumaba..ang cheap swear, nakakawalang poise..basang basa ako at tila naligo sa ulan..pero buti na lang at kyut ang mga tour guides at nako, kahit walang celebrity pa akon nakikita ay ulam na mga tour guides pa lang..at ang moral lesson, dapat wag mag-inarte at magdala ng payong..haayyy

so yun ang adventure ko sa ABS-CBN..di ko na ikukuwento ang iba pa dahil naging audience lang naman kami sa boy n kris at nastarstruck sa mga celebrities..all in all,masaya naman..nasi ko tuloy magtrabaho na sa abs-cbn someday..na-amaze ako haha..iba yung feelnig pag andun ka..haha..at ang ganda ko, nakita ako ng mga tiyahin ko sa telebisyon..at naman kaygwapo nina jake cuenca, andrew wolf,robert brown,enchong dee at jomari yllana..at ang pinakadabest ay nakita ko si carlo guevarra..ang totoy niya tila isang nagbibinata at inosenteng mhin na kaysarap tikman..o siya, babu na at ako'y kailangan munang magrest..pero bago iyon, eto muna ang larawan namin sa studio ng boy and kris

Monday, September 17, 2007

the last days

paano kung last day mo na dito sa mundong ibabaw? siguro kayhirap isipin noh? kasi naman, sino ba naman ang gusto nang mamatay. pero ako, minsan kapag naiisip ko yun ,di ako natatakot. alam ko kasi na darating talaga yung araw na oras mo na. pero sana naman di muna ngayon. marami pa akong gustong abuting pangarap .marami pa akong gustong gawin. marami pa akong gustong makita. marami pa akong gustong mapasaya. gusto ko pang makita ang mga pinsan ko na lumaki. gusto ko pa makasama nang matagal ang mga kaibigan at pamilya ko. gusto ko pang makasama nang matagal ang nanay at kapatid ko. marahil ay hindi pa ako handang mamatay. kahit pa masaya na ako, gusto ko pa makita ang sarili ko na magtagumpay.

lahat naman siguro ay naghahangad na mabuhay hangga't pwede. kung tutuusin, wala naman talagang pagka-kuntento ang isang tao, di mo masasabi na kuntento ka na kung masaya ka. hindi naman porke masaya ka na, hihinto na ang pag-ikot ng mundo mo.syempre habang nabubuhay ka, patuloy na umiikot ang buhay mo at patuloy kang nakikipagsapalaran. di naman pwedeng masaya ka na lang habambuhay. minsan mainam din na malungkot ka, nang sa gayon humanap ka ng paraan para maging masaya at matuto kang maging matatag. hihinto lang siguro ang paghahangad natin kapag kinuha na tayo ng poong maykapal. pero sana, kapag dumating ang oras na iyon, masaya na tayo para kahit sa huling pagkakataon ay naramdaman natin ang pagiging kuntento.

kaya't habang tayo'y nabubuhay, ating damhin ang ganda ng buhay at lagi tayong maging masaya..

dahil dyan ay iniaalay ko ang isang napakagandang awitin

THE LAST DAYS
by Hourglass

If today were the last of all days
Would it change how you feel, who you are?
Would you rise for a moment
Above all your fears
Become one with the moon and the stars?

Would you like what you see looking down?
Did you give everything that you could?
Have you done everything that you wanted to do?
Is there still so much more that you hold?

Follow your dream to the end of the rainbow
Way beyond one pot of gold
Open your eyes to the colors around you
And find the true beauty life holds

Would you live for the moment
Like when you were young
If time didn't travel so fast
Be free in the present enjoying the now
Not tied to a future or past

Follow your dream to the end of the rainbow
Way beyond one pot of gold
Open your eyes to the colors around you
And find the true beauty life holds

You probably said all you wanted to say
But doesn't that strike you as strange
That we only begin to start living our lives
If today were the last of all days

If today were the last of all days
Of all days.....

Saturday, September 15, 2007

that's entertainment

noong araw, nahilig akong manood ng that's entertainment..ewan ko nga ba at yung mga ka-edad ko hindi sila nahilig sa panonood nito..puro cartoons siguro pinanonood nila..basta ako, kahit jologs man para sa iba, proud pa din ako na nahilig ako sa that's entertainment..ang ilang mga stars ng that;s ay namamayagpag pa rin sa industriya ngayon..pero ang ilan ay iniwan na ang pinoy showbiz..at ito ang mga namimiss ko..handa ka na ba?

jessa zaragoza..sino nga ba ang makaklimot kay ate jessa at sa kanyang "bakit pa?"..gustong gusto ko noong si ate tapos yung bakit pa naging movie pa with diet at troy montero..at syempre yung "ikakasal ka na" hahaha ang gnada kaya nun.tapos yung pagkahilig nya kay tweety bird nun ay ang kyut kyut ni ate..syempre how can i ever forget her "magdiving sa anilao, magsurfing sa siargao".. at pati ang stint nya sa "bituin" with carol banawa a, desiree del valle at ate guy.buntis pa nga siya nun.hanggang sa lumisan si ate kasama si dingdong avanzado patungong isteyts..pero lately, nag guest siya sa boy and kris with her hubby..namiss ko talaga si ate.
donna cruz..ay nako, ang ate donna cruz super nakakamiss..ang kanyang "kapag tumibok ang puso" ay kinakanta ko a rin hanggang ngayon.. syempre sino ba makaklimot sa kanyang sopa opera na villa quintana opposite keempee de leon..tapos, naging boypren pa niya si ian de leon..at syempre ang super ever peyborit na do-re-mi with ate regine at mikee cojuangco..panalo ang kantang "i can' na dinownload ko pa sa ipod..ayan may asawa na si ate ngayon at kundi ako nagkakamali ay nakabase na sa cebu..
tina paner..okey, let's give it up for my ate tina na sa ngayon ay nasa barcelona, spain..ang ampong ito ni manay daisy romualdez ay parte ng tirplets with manilyn reynes at sheryl cruz na parehong kapuso stars ngayon..nakakmiss ang ate mo with her song "tamis ng unang halik" at ang kanyang love team with cris villanueva..huli ko siyang napanood sa series nina toni gonzaga at luis manzano na doon kinuhanan sa barcelona..caselyn francisco..sa mga kaibigan at kaklase ko, wala man lang nakakakilala kay caselyn francisco..kakainis..di ba nila alam na nag miss saigon ang ate niyo at namaygpag sa abroad..dito sa pinas ay namayagpag siya sa that's entertainment at sa comedy siya nahahanay..tuwing may reunion ang that's entertainment ay via phone patch lang si ate kay kuya germs..nakak-sad tuloy..sana ay magbalik siya sa pinas at magconcert with other miss saigon pinay beauties.

tootsie guevara..naman para kay ate tootsie..namiss ko bigla ang kanyang "kaba" at pasulyap sulyap" na kanta with matching the ever landi hand gestures..winner kaya ang mga kanta niya ever..kabog ang nina at sitti sa kanya..huli ko siyang namataan sa kahit kailan soap opera ni ate roxanne barcelo(ang ultimate idol) tapos biglang nag-disappear na lang si ateh at nagtungo din ng isteyts..ngayon yata ay may asawa't anak na si ate pero nagpeperfrom pa rin isya abroad

o di ba, bongga ang mga ate niyo..at lahat sila ay singers..maganda siguro kung magkakaroon sila ng konsiyerto dito sa araneta hindi ba?..winner yun haha

Friday, September 14, 2007

saan ako patungo?

kanina ay nagkaroon kami ng career seminar..masaya naman dahil maayos ang speaker na si mister anlex basilio na isang propesora sa la salle at ust at dating art director, merchandiser at package designer..ang gaganda ng mga sinabi niya at naisip ko ay kung paano ba ako pagkatapos kong magtapos..kaybilis nga naman ng panahon ano? dati ay pers year lang ako at wala pang alam sa arts at advertising..ngayon, lalo akong napamahal sa kurso ko at dahil kayrami ko ring challenges na pinagdaanan..

kung ang karamihan sa mga kaklase ko ay nais maging graphic artist o art director, ako naman nais kong maging copywriter o syempre kung susuwertihin maging creative director. pero basta kahit anung posisyon sa ad agency. gustong-gusto ko kasi dun magtrabaho..alam ko kasi masaya dun at maayos naman ang sweldo..naeexcite ako kasi ilang buwan na lang pwede na akong mag-apply kaso nakakatakot, syempre yung pressure at yung fear of rejection, lalo pa't di naman matataas ang grado ko..

gusto ka rin sana sa marketing o sa accounts o sa PR o brand managing..haay basta ayoko yung tungkol sa may arts, mas keri ko sana kung sa tipong marketing o communications..kahit na nga ba fine arts ako, mas gusto ko yung marketing side pero gusto ko din sa creatives pero dun sa conceptualization huwag lang sa execution.nakakakaba talaga pero hopefully after grad, gusto ko sana magtrabaho agad.kahit mababa lang posisyon, syempre lahat naman nagsisimula sa mababa di ba?basta sana sa ad agency o sa magazine, pwedeng fashion stylist o sa copyo kaya kahit saang malaking kumpanya basta related sa kurso ko..haaay isang malaking good luck sa akin noh? at sa lahat ng gagradweyt ngayong taong ito.

Monday, September 10, 2007

life in cartoon motion

haaaay bongga ang album na ito..mas bongga pa sa mga ibang photo album dyan sa tabi-tabi noh? baklang bakla ang drama-rama ng mga kanta at kamusta sa album cover, panalo talaga di kagaya nang mga ibang album dyan na may picturakka ng singaru plus their self-titled album yung mga ganun like mga lovi poe, danita paner and other chuva singers dyan..at ang titulo ay panalo..LIFE IN CARTOON MOTION..winner talaga itu para sa akin..dinownload ko na mga kanta niya at inupload sa ipod at bumibirit na ko ng palihim sa kwarto..ay parang diva ka talaga pag kinakanta ang mga songs ni mika..ang taray sa mga falsetto at mga lyrics ng songs..ay panalo ang love today, mapapaindak ka talaga plus the grace kelly and lollipop..and wait there's more ang billy brown na baklang bakla talaga ang tema dahil nagkahomosexual relationship si billy brown sa isang boylet..panalo talaga..

si mika ay isang lebanese singer na napadpad sa london at dun nahasa ang pag-awit nya pero mga bakla,di pa yata sure kung bakleza siya dahil wit niya iyon pinag-uusapan at never sinasagaot ang mga tanong kung bakla ba siya..nako ewan ko na lang ah baka tibo siya pero kamusta sa mga kanta niya ah,baklang bakla so kamusta kung straight siya..hayy eh kung anuman siya, ito ang current peyborit ko..kaya mga bakla, bili na ng album o kung wala kayong anda, download na..may torrent at limewire naman eh..dali na..

Saturday, September 8, 2007

oh look, its luke!

anuvehyen luke, wag mo ko titigan ng ganyan ah..akin na nga yang mga kahoy at ipagluluto na kita..ang sweet mo naman at nangahoy ka pa for me..kinikilig ako..siyet ka..dali, paliguan na muna kita sa batis..

POTAH, kay gwapo talaga ni luke jickain..oh god, he is back sa cosmo bachelor bash at kasama siya sa ten centerfolds..pangalawang beses na niya.yung una noong 2004..o di ba, mas naging hot kasi ang papa luke ngayon..ang sarap kakainis ah..nako mas feel ko siya ngayon kesa kay victor at jake..mas may pagka-bad boy ang dating nya ngayon at mas mukhang roooarr talaga ang labanan ni kuya..haaaayy...o siya o siya, ako ay mangangarap muna..oohhhh!!!

Wednesday, September 5, 2007

being sick

kamusta mga kapatid sa pananampalataya?..kaytagal ko din yatang nawala..namiss ko ito..paano ba naman kasi ay nagkasakit ako at labis ko itong ikinalungkot..hay..di ko kineribels ang pagiging lagnatin ko ah, marahil ay sa labis na pagpapagod lang gawa ng maraming inaatupag na kung anek-anek sa paaralan..

nagsimula ang lagnat ko noong sabado ng gabi..paano ba naman kasi ay nagshopping ako ng mga tela sa kamuning get me get get me baby i'm yours kamuning get me..eh punyeta kasi yung mga ale ale dun di alam ang difference ng satin at sateen..eh sabagay di ko rin alam pero malalaman mo ang difference nito sa kanilang pagkakaweave..at kamusta mga ateh dahil kailangan ko pang gumamit ng magnifying glass to know the difference at good luck, nahilo talaga ko at never ko napansin ang pagkakaiba..sino ba kasi nag-imbento ng pangalan ng satin at sateen bakit ispeling lang ang pinagkaiba nyeta..

pagkauwi ko ay nakaramdam na ko ng pananakit ng katawan at yung lagnat factor..noong sunday ay buong araw ang iginugol ko upang gawin ang weaving patterns para sa textile design..goodluck talaga at di ko naman balak maging tagahibla pero kung pagawin kami ng aming propesora ng mga patterns ay tila wala ng bukas pang masisilayan..pero kinarir ko pa rin kahit may lagnat..well, masipag ako anuveh..

lunes ay pumasok na ako sa textile design..aba si propesora may bagong pinapagawa..studies for chuvaness pattern na dapat may end purpose..eh may lagnat ako at masipag nga, gumawa ako kahit ang mga kaklase ko ay di gumawa..edi iyon, may plus two ako..ang napili niya ay ang pucci design at tinatanong niya kung ano ang end purpose sabi ko ay skirt..trend daw ba kaya ang pucci ngayon? aba'y malaybalay bukidnon, siya itong may alam ng trend report chuva chenes..isa pa, FASHION major ba kami? CLOTHING TECH ba kami?

matapos ang klase ay umuwi na ako..di na ako pumasok ng TV ART..oops,di dahil may lagnat ako kundi dahil premiere ng ANG LALAKE SA PAROLA sa UP..kaya go akez sa UP kahit inaapoy ng lagnat..kasama ko ang misis j na naloka sa pagpunta ng UP..ang pelikula ay keri lang..gwapo si harry laurel aka harry chua at panalo ang notching niya..pero ang acting, ay gudluck at flopchina itu or ewan lang baka yun talaga ang gusto niyang iparating sa manonood, yung shoshonga-shongang probinsyanong walang facial expression.ang jennifer lee keri na din..winner ang dexter doria kahit special participation lang..she participated well..chos..ang istorya, mababaw at kulang pa..ayoko na magsalita pa..pero winner ang line ni kuya crispin pineda na "iba iba kasi ang trip ng mga diwata"..ang tinutukoy na diwata dito ay bakla..ahaha..pagkauwi ko hay nako, inapoy na naman ako ng lagnat..salamat sa mga tiyahin ko sa pagbigay ng gamot at pagkain..

martes ay maghapon ako sa bahay namin at buong araw humilata pero ang lagnat ko ay tila di bumababa..kakaloka..sinisi ko pa ang thermometer na sira yata..pero mukhang tama ako..sira ito..at kaninang umaga,kineri ko na muling maging masigla..gumora ako sa miriam college para imeet si lei dahil aarte ako sa amateur film para sa finals nila.pero pagdating ko sa bahay ay hapong-hapo ako kaya humiga ako at namahinga at ilang saglit pa ay tumungo ako sa gateway upang makipagbonding sa long time friends ko na mula din sa lalawigang nueva ecija na sina tasha at chinee..yun nga lang city girls sila habang ako ay barrio lass..at dahil nilagnat ako, bumili ako ng pants..ahihihi..ngayong magaling at masigla na ako, tayong magsaya at magdiwang..MABUHAY ANG MGA BAKLA!