Thursday, August 30, 2007

paranoia makes me paranoid

nakakainis hano at kelangan pa natin mag-isip? isa sa mga sakit ko ang pagiging paranoid (ang iba ko pang sakit ay ang pagiging insomniac at parating naiihi)..ewan ko ba at sa konting bagay lang ay paranoid na ako..tulad ngayon, paranoid ako kasi iniisip ko ang mga bagay-bagay na mangyayari bukas, di ko alam kung pano ko gagawin ang sculpture para sa esthetics since wala nang oras..nakakaparanoid dahil hindi nasunod ang sked ko kasi naman palpak pala ang papier mache.di ko pala keri iyon.tapos iniisip ko pa kung aattend ako ng student ad congress kasi sayang ang oras at may interviewin pa kami ni joyce assidao sa conspi na 10pm magsisimula. tiyak pagdating ko sa bahay ay umaga na gayung kelangan ko pang maggawa ang esthetics sculpture with matching rationale tapos 7am ang klase ko the next day..kainis ayoko kasi yung cramming sa mga panahong ito..i cant do the reaction paper earlier bukas kasi wala pa kong nagagawang sculpture and i dont have the clay naman para simulan na bukas ng umaga..god i was so stupid kanina na di ako bumili ng clay.shet naman..ayan im panicking shet shet shet..shit shit shit..yun lang ang ikinapaparanoid ko..ang babaw noh?

and eto pa pala, i am thinking of buying a new pair of pants or a pair of white havaianas and di ako mapakali hangga't di ko nase-settle sa isip ko kung ano talaga balak kong gawin sa pera ko..baka mamaya kasi pag bumili ako eh biglang magka-emergency gastos ako tapos im broke..i even rummaged the mall kanina and ang hirap talaga humanap ng perfect pants or kahit yung capri na gusto ko wala ako mahanap..

sabi ng kapitbahay ko, yung pagiging insomniac ay dahil sa parati kang nag-iisip..ahh ganun pala iyon, kasi masyado kong ini-stress yung sarili ko sa kaiisip ng kung anu-ano..pero pano mo nga ba maiiwasan mag-isip eh di ba normal naman talaga mag-isip at parang automatic yon? lalo na pag wala kang ginagawa kaya ayun napapaisip ka..at least kung busy ka di ka nag-iisip.eh pano kung nasa biyahe ka o mag-isa o nakahiga lang, di ba kung saan-saan lumilipad isip mo? lalo na siguro kung nag-aaral ka o nagtatrabaho o may pamilya o may problema..nangyari na ba sa inyo yung di kayo matahimik hangga't hindi nyo naso-solve sa isip nyo yung dapat ma-solve? basta ganun ang weird ko talaga..or has it ever happened yung sa dami mong iniisip nakalimutan mo na yung dapat mong isipin or kung saan-saan na napunta yung iniisip mo na kelangan mong i-trace ulit kung saan nagstart at pano napunta dun yung iniisip mo? waah..gets niyo ba? nakakaparanoid..ayoko na mag-isip..

oh siya, tama na ang mag-isip..paalam at maganda ako sa inyong lahat..mwah!

7 comments:

kalansaycollector said...

Hindi ka ba napaparanoid at baka kuyugin ka sa pagsisinungaling mo sa pagsasabing maganda ka sa a aming lahat?

tse!

aj sotteau said...

ay hindi ako napapranoid duon dahil iyon ay katotohanan gaga ka! ahahahaha

Bryan Anthony the First said...

ay ako din ihiin

teach me naman how to do paper mach....

Lyka Bergen said...

Pareho tayo, Lola! Insomnia rin ang problema ketch! Dami ngang ini-isip.

Ang problema sa work; ang Ma at Pa at mga kafatid na naiwan dyan sa Pinas; ang awayan namin ni Ekra; walng Papa; ang sobra kong paninigarilyo; at kung ano fa!

Ay ewan... buti na lang come and go naman ang aking Paranoia.

Kakainis netch?

Suggestion lang: Pwede bang gumamit ka ng capital l;etters at more pharagraphs pls.... sumakit ang ulo ko sa pagbabasa ha! Tse!

aj sotteau said...

ay sori ate lyka minsan kasi nagmamadali ako magtype hayy..kakalungkot nga at talgang dami talagang problema sa mundo ano? pero dahil bakla tayo, di tayo patatalo dyan davah?

aj sotteau said...

@bryan: naku, kayhirap gumawa ng paper mache kaya ang ending clay na lang ginamit ko..matrabaho kasi ang paper mache..uuwi ka pala sa ating bansa.. enjoy oyur stay

Anonymous said...

good evening poh,..paano ba makokontrol ang pagiging paranoid?,bakit kc feeling ko lahat ng madadaanan kong tao pinag uusapan ako,tapos inis ako sa isang tao na wala nman ginagawang masama..naiinis ako sa sarili ko..di ko na alam ang gagawin..paano poh kaya maiiwasan ang ganitong pakiramdam?sana may makapag bigay advise sa inyo..salamat.