Tuesday, August 28, 2007

nang ako ay magbalik sa aking nayon

kamusta naman, after five days of absence sa blogging world ay muli akong nagbalik. narito ako ngayon kina itlog dahil dito kami nagpalipas ng magdamag nina meh,march at benz.kasma na din ang mga bisita ni anton na sina hazel,mean at tin..

masaya ako sapagkat nagbalik ako sa nayon kong sinilangan at muli kong nasilayan ang ganda ng aming munting bayan.labis akong nangulila sa aking mga kamag-anakan lalo na sa aking lolo, lola, mga tiyahin at mga pinsan..linggo ng kami ay umuwi at kahapon lamang kami muli nagbalik sa maynila. masaya ang pananatili namin doon sa aliaga, dun kami kina tita beth tumuloy. tila may piging at kapistahan. maraming pagkain at labis ang kasiyahan ng aming pamilya..lalo pa't dumating ang aking tiyuhin mula sa gabon, africa kung saan siya nagtatrabaho.

labis kong ikinagalak ang pagtitipong iyon sapagkat sama-sama kami ng aking pamilya. sabay-sabay kaming kumakain habang nagtatatawanan at nagkukuwentuhan. mga pagkaing panlalawigan ang inihanda ng aking tiyahin tulad ng kalderetang bibe, pinakbet, inihaw na tilapya, burong kanin, nilagang sitaw, sigarilyas, talong at ampalaya na inani ng aking lola sa taniman niyang tumana.

nakipagbidahan rin ako sa mga mahal kong kapitbahay at nakasagap ng mga bagong balita. labis nga lang akong nalulungkot dahil sa wala pa ring asenso ang mga kapitbahay ko na tila ba bagot na bagot na sa kanilang buhay. napansin ko na wala na ang dating sigla ng aking mga kapitbahay di tulad nang ako'y bata pa na kahit hindi masagana ang buhay ay nakukuha pa rin nilang maging masaya at matatag..

ngayon, back to reality na ako at walang humpay na pag-aaral at plates at school stuffs na naman..dahil dyan ay iniaalay ko ang larawang ito sa aking mga kapitbahay..

8 comments:

kalansaycollector said...

ay buti ka pa nakauwi sa nayon. at kamusta naman sa larawan hano?

aj sotteau said...

hahaha..baklang bakla ang larawan hano?..laman ka na naman ng library bakla ka

kalansaycollector said...

haha. op course.. at kailangan kong magpromote..

***

vote for me guys as blogrant of the year sa Pinoy Evil Blog Awards ni Paolo Mendoza... dali! dali! hehe.

so go to this site:http://paolomendoza.com/

at magresgister! then yehey! you can vote for me..

again..
BLOG RANT OF THE YEAR
SA PUSOD NG QUIAPO by Kalansay Collector!

haha campaigning na ito!

gari salvador said...

bruha ka baklang bakla ka jan. in fairness seductive ha. hahaha:P

mrs.j said...

i only have one photo left in my hands...

and PINAS next BOTTOM model is...

shows photo...

"AJ SOTTEAU!"

aj sotteau said...

@gari: haha sori naman walang magawa

@misis: ahihihi..anuveh echosera ka haha

Lyka Bergen said...

OMG! Very Grendel ang dating! Tse!

aj sotteau said...

hahaha..kamusta sa grendel na yan..di ko sya feel..wala ako feel sa mga pinas next top model haha