Sunday, August 19, 2007

mother, mother i am sick call the doctor very quick

drama mode akong bigla ngayon..naalala ko kasi si mudra ko..si mudra na never kong nakapiling ng lampas sa dalawang buwan..si mudra na never kong naging close..haaay kakalungkot na di man lang niya ko nakitang nagdalaga..di man lang niya nakita na ang isang uod ay naging isang marikit na paru-paro..chos..

nagising ako kasi kahapon dahil si tita edith ko(na kahit magsimba ay naka-pekpek shorts) na kausap si mudang sa telefon..kahit pa puyat ako from a poetry and coffee night ay bumalikwas ako ng kama dahil syempre ganun ako lagi ka-excited kapag tumatawag si mudrax..ganun ako nangungulila sa isang ina..so nag-usap kami at tinatanong niya kung ano ang gusto kong ipadala niya..sabi ko "wala akong maisip," tapos parang sa isip ko"umuwi ka na lang" haha..naalala ko tuloy yung eksena sa anak na kausap ni ate vi sa phone ang batang claudine na ginampanan ni hazel ann mendoza at nagmaldita yung batang claudine..syempre wit ko naman magmaldita kay mother..sabi ko bilhan na lang niya ako ng bath and body works..di daw niya knows yun..sabi ko mga body mist kasi nakiki-share lang ako ng lewis and pearl sa pinsan ko..ay nako,di daw kasi uso ang mga tulad ng victoria's secret dun kaya pabango na lang daw bibilhin niya sakin..ay no mother dear, ayoko ng pabango baka mamaya ay dakar at giovan musk pa bilhin niya..tapos nauwi sa mailman bag na lang ang bibilhin niya edi sabi ko sige yun na lang..ripcurl daw kaya keri lang nman,yun kasing binili niyang backpack na quiksilver ay uber laki na tuwing dala ko sa uste ay mukha akong mamumundok at aakyatin ang mount makiling..humirit pa si mother, ayaw ko daw ba ng mga shirts, ay no mother wag na,gudluck sa mga binibili niyang damit sa akin kaylalaki, baka kasi akala niya ay hiphop ang anak niya kamusta naman..so ayun kwentuhan lang sa kung anu-ano..parating ganun tungkol sa mga latest movies o australia's next top model o american idol o national geographic..wala man lang anak kamusta na ba ang lovelife mo, o anak namimiss na kita siguro ang laki laki mo na..haaayyy..

isang taon pa lang kasi ako ng iniwan ni mudang at nagtungo ng land down under dahil sa kasamaang palad ay maagang namatay si pudang dahil sa leukemia..so si mudang no choice kundi mag-abroad at mag DH sa aussie kasi kundi mamamatay kami sa gutom..so iniwan ako sa piling ng aking pitong tiyahin at lolo at lola..o di ba,panung di ako magiging shukling eh pito ang nakapaligid sa aking bilat..dahil din sa kanila ay "ate" ang tawag ko kay "mama" ever since the world began..nasanay na tuloy akong ganun..ayun nga sulat sulat si mudang at nagpapadala kami ng larawan sa australia, yung tipong may sulat sa likod na "o tignan mo ang tanim nating palay, malapit nang anihin.ayan si ging-ging oh, kaylaki na"..umasenso naman kami at nakapagpagawa ng bahay si lola at nakatikim kami ng bahay na gawa sa hollow blocks..tuwang-tuwa ang mga tiyahin kong lukaret dahil may maayos na kaming bahay..sa tulong din ni mudang ay nakapag-aral sila at nakapagtapos..

lumipas ang ilang taon, ay nakabingwit si inay ng aussie guy at ang ending ay kasalan at isang supling na kasingganda ko..ang finale ay aussie citizen na si mudang at turista na lamang siya sa bansang pilipinas..umuuwi siya every three years at sandaling panahon ko lang siya nakakapiling..nakakalungkot lang at never ko talaga ma-feel ang true presence ni mother,parating may hiya factor tuwing magkasama kami..di kami close at yun sana ang gusto kong mangyari..pero ewan..she tries naman yun tuwing uuwi siya dito at nakikita ko naman ang effort niya..pero syempre may selos factor ako sa sisterette ko dahil syempre kay mudang siya lumaki kaya she has all the attention..ang taray pa nila mag-usap "mom, gimme some watah" "reyna, dats enuf, come ovah hih" mga ganun sushalan kainis..

inalok ako nuon ni mother kung feel ko daw ba sa aussie magkolehiyo, pero mas pinili ko dito sa pinas dahil mamimiss ko ang friends ko at syempre ang mga tiyahin kong nagpalaki sa akin at ang lolo't lola ko..dun kas, si mother,sisterrette at daddy long-legs lang ang makakpiling ko..so parang mas madami akong maiiwan dito..di ko pa yata kering iwan ang mga mahal ko dito sa pinas..so ngayong graduating na ako at may special offer si mudra na duon na ako magtrabaho sa aussie ay napapa-isip ako..syempre magandang kapalaran ang nag-iintay sa akin dun at saka makakapiling ko na si mudang ng panghabambuhay..pero ayokong malayo sa bansang aking sinilangan..alam ko kasing may pag-asa ang pilipinas at gusto kong dito magtagumpay..pero naiisip ko din na dun sa aussie kapag kumita na ako ng malaki, mas matutulungan ko ang lolo't lola ko mapaayos ang tahanan namin sa nueva ecija, mapag-aaral ko ang mga pinsan ko at maaambunan ko ang mga hikaos kong kapitbahay..isa pa,wala na akong iintindihin pa sa aussie dahil walang bills to pay, food to buy, room to rent dahil sagot lahat ni mother yun..dito mauubos ang sweldo ko nun sa mga bayarin pa lang..buti sana kung makahanap ako ng maayos na trabaho..eh syempre gusto ko naman yung may kinalaman sa course kong advertising..pangarap ko kasing maging copywriter o visual merchandiser o kahit anong posisyon sa ad agency..pero sa daming magagaling kong kaklase at sa tindi ng kumpetisyon sa pagahahanap ng trabaho ay parang natetempt na rin akong umalis..isa pa. baka sa aussie ko na din mahanap ang future boylet ko..ahaha..haaay konting panahon na lang ang natitira..think think think..

to be an aussie gurl or remain a filipina beauty? haaayy ewan..


If you really want to, you can hear me say.
Only if you want to will you find a way.
If you really want to you can seize the day.
Only if you want to will you fly away.
nanay ko as enya, only if

10 comments:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

be an aussie girl with filipina beauty kaya? what do you think?

aj sotteau said...

pwede rin di ba? so sana kung anumang desisyon ko ay magtagumpay ako haha..thanks tita mandy

Kiks said...

wherever you go, me mga fairy godsisterettes ka dun. from life funtastique jase to my very own sisteraka eej.

at ang tagumpay mo bakla... tagumpay nating lahaaaaa





t.

mrs.j said...

magkamagank nga kayo ni ate mandaya! haha! sama mo pa si marimar! haha

aj sotteau said...

kiks, salamat naman sa support mwah mwah..haha
mrs j,oo ateh taga bukid din kasi ako..ahihih

kalansaycollector said...

ooooh antaray tungkol din kay mudra ang post mo..

soulmates!

remember mo yun?! wahaha

fuchsiaboy said...

goodluck dahling. i think you are better off in australia than here. not that i have lost hope for our country. i just think you will shine more there.

Lyka Bergen said...

LUngkot mode aktech ha! True at di biro yan.

Sige na bruha! Mag- Land Down Under ka na lang! I mean... Tawi Tawi! Chos!

aj sotteau said...

@fuschia boy: palagay ko nga ay magpapayaman ako dun at babalik sa pinas para maghasik ng kayamanan ala amor powers

@lyka: gudluck sa tawi-tawi, minsan iniisip ko kung panu na ang mga kalagayan ng mga tao na naroon, kaylayo sa sibilisasyon

Zero to Bitch in 3 seconds said...

tama silang lahat.

make your own home. you can still be the beautiful filipina, but with the aussie accent. panalo.

mayaman ang dating. at bakla.. ang mga boys mas gwapo. ispin na lang ang boys. wag na ang pamilya. hahaha. j/k.