palimos po, maawa na po kayo sa bakla!
mabuhay!
kainis ngayon lang ako namulat sa blogging world ng blogspot. mukha tuloy akong loser nito.pero no no no no way dahil ang tagal ko na kayang may blog. 2004 pa ako may blogspot perst year college pa lang ako noon,kaso nakalimutan ko ang password at naimbyerna kasi ako dahil meron din akong xanga at livejournal noon.o di ba sabay-sabay..adik kasi ako sa blogging noon with my friend kalansaycollector. eh tapos iniwan ko ang livejournal at nanatili sa xanga.deadma na ko nun sa blogspot kasi naman kakairita siya nun ang daming chenes..beri komplicated..tapos kamakailan lang simula ng maadik ako sa multiply ay iniwan ko na din ang xanga..bwisit kasi, lahat umalis na sa xanga huhuhu,nakakaawa ang xanga mga traydor at walang utang na loob ang nang-iwan sa kanya at isa na ako doon..at ngayon ay magbabalik loob na ako sa blogspot and i will try my very best to fulfill my blogging dreams..may ganun?
so blogging..uso na nga ang blogging hano? sa pagba-blog kasi ay nailalabas mo ang iyong saloobin at maipakikita mo ang talento mo sa pagsusulat..at saka dito din ay makasasagap ka ng latest chikas around the world from your friends o maski hindi mo kakilala..hay naku, tignan mo nga naman ano? pati nga naman ang simpleng konsepto ng talaarawan ay high-tech na din.sa totoo lang, dati ay may talaarawan ako.nagsimula iyon nung ipagawa sa amin ng guro ko sa filipino ang talaarawan nung second year high school ako.naalala ko pa nagpapalitan kami nun ni kalansaycollector ng talaarawan at binabasa namin ang mga nakatala sa talaarawan ng bawat isa. natatandaan ko pa nga ang cover nung akin ay destiny's child tapos ay may picture ko sa gitna nina kelly at beyonce..baklang bakla ang diary ko.simula noon ay pinagpatuloy ko na ang pagsusulat sa talaarawan hanggang magkolehiyo ako at mapadpad dito sa kamaynilaan.kaso biglang nauso ang blogging kaya goodbye diary na din ako..sad naman. *sobs*
pero kung sa lugar namin sa probinsiya kung saan malayo sa kabihasnan at never maabot ng internet ay wala kang choice kundi ang ipagpatuloy ang nakagawian nang talaarawan..pag bakasyon at dun ako naglalagi ay nakagawian ko nang magsulat ng kung anu-ano sa kwaderno ko.pakalat-kalat na nga lang iyon eh at keber kung binabasa ng pinsan ko.dahil yung talaarawan kong iyon ay hawig na sa purpose ng blogging kung saan ay ipinababasa mo na sa publiko ang mga saloobin mo..ibang-iba na ito sa konsepto ng talaarawan noon kung saan ay itinatago mo ang iyong mga lihim na di mo maaaring ipagsabi sa iba tulad ng "mahal kong talaarawan, lihim kong kursunada si octavio" mga ganung level..di ba nga sa mara clara, ang talaarawan ang sagot sa lihim na katauhan ni mara, na tunay pala siyang anak nina almira at amante..wahaha..
dahil nga din walang internet sa probinsiya namin ay nagtitiyaga na lang akong magsulat sa talaarawan ko tapos di pa ko kunek sa mga latest chika ng blogging world.kung gusto ko ng tsismis ay kailangan ko pang umasa kay ate orie, ang kubrador ng jueteng sa amin.tuwing hapon kasi ay idedeliver niya ang mga taya namin sa jueteng dun sa kabisera ng barangay namin ang sitio "highway" tapos ay pagabalik niya sa sitio kaingin ay may baon na siyang chismax gaya ng buntis daw yung anak ni aling timang na si bernadette o kaya ay may kabit daw si aling apaz, mga ganung level. so di ka man manalo sa jueteng ay busog ka naman sa mga chika ng aming barangay na kung tutuusin lang ay keber lang sa akin dahil di ko ka-level ang mga ganyang tsismis..wahaha..may ganon? sori manila girl na akei haha..chos!
so i therefore conclude, welcome to blogspot..sana ay i-welcum ninyo ako..happy blogging!
7 comments:
sana araw-araw may post.
sumigue ng sigue. karerin ang blogging.
wag lang maaadek!
ahihi to tita mandy,i'll try my best haha..grabe fan ako ng blog mo..ang kuyt nyo ni kulot
@kiks: thank you sa support haha
ay nako ate! oo nalang tayo dyan sikat ka an agad!
bravo! bravo! nakakaiyak naman... mabuhay ang mga talaarawan!
cnu ang nbura?
Post a Comment