Thursday, August 30, 2007
paranoia makes me paranoid
and eto pa pala, i am thinking of buying a new pair of pants or a pair of white havaianas and di ako mapakali hangga't di ko nase-settle sa isip ko kung ano talaga balak kong gawin sa pera ko..baka mamaya kasi pag bumili ako eh biglang magka-emergency gastos ako tapos im broke..i even rummaged the mall kanina and ang hirap talaga humanap ng perfect pants or kahit yung capri na gusto ko wala ako mahanap..
sabi ng kapitbahay ko, yung pagiging insomniac ay dahil sa parati kang nag-iisip..ahh ganun pala iyon, kasi masyado kong ini-stress yung sarili ko sa kaiisip ng kung anu-ano..pero pano mo nga ba maiiwasan mag-isip eh di ba normal naman talaga mag-isip at parang automatic yon? lalo na pag wala kang ginagawa kaya ayun napapaisip ka..at least kung busy ka di ka nag-iisip.eh pano kung nasa biyahe ka o mag-isa o nakahiga lang, di ba kung saan-saan lumilipad isip mo? lalo na siguro kung nag-aaral ka o nagtatrabaho o may pamilya o may problema..nangyari na ba sa inyo yung di kayo matahimik hangga't hindi nyo naso-solve sa isip nyo yung dapat ma-solve? basta ganun ang weird ko talaga..or has it ever happened yung sa dami mong iniisip nakalimutan mo na yung dapat mong isipin or kung saan-saan na napunta yung iniisip mo na kelangan mong i-trace ulit kung saan nagstart at pano napunta dun yung iniisip mo? waah..gets niyo ba? nakakaparanoid..ayoko na mag-isip..
oh siya, tama na ang mag-isip..paalam at maganda ako sa inyong lahat..mwah!
Tuesday, August 28, 2007
nang ako ay magbalik sa aking nayon
masaya ako sapagkat nagbalik ako sa nayon kong sinilangan at muli kong nasilayan ang ganda ng aming munting bayan.labis akong nangulila sa aking mga kamag-anakan lalo na sa aking lolo, lola, mga tiyahin at mga pinsan..linggo ng kami ay umuwi at kahapon lamang kami muli nagbalik sa maynila. masaya ang pananatili namin doon sa aliaga, dun kami kina tita beth tumuloy. tila may piging at kapistahan. maraming pagkain at labis ang kasiyahan ng aming pamilya..lalo pa't dumating ang aking tiyuhin mula sa gabon, africa kung saan siya nagtatrabaho.
labis kong ikinagalak ang pagtitipong iyon sapagkat sama-sama kami ng aking pamilya. sabay-sabay kaming kumakain habang nagtatatawanan at nagkukuwentuhan. mga pagkaing panlalawigan ang inihanda ng aking tiyahin tulad ng kalderetang bibe, pinakbet, inihaw na tilapya, burong kanin, nilagang sitaw, sigarilyas, talong at ampalaya na inani ng aking lola sa taniman niyang tumana.
nakipagbidahan rin ako sa mga mahal kong kapitbahay at nakasagap ng mga bagong balita. labis nga lang akong nalulungkot dahil sa wala pa ring asenso ang mga kapitbahay ko na tila ba bagot na bagot na sa kanilang buhay. napansin ko na wala na ang dating sigla ng aking mga kapitbahay di tulad nang ako'y bata pa na kahit hindi masagana ang buhay ay nakukuha pa rin nilang maging masaya at matatag..
ngayon, back to reality na ako at walang humpay na pag-aaral at plates at school stuffs na naman..dahil dyan ay iniaalay ko ang larawang ito sa aking mga kapitbahay..
Friday, August 24, 2007
crush is paghanga
Thursday, August 23, 2007
ang kapitbahay
madami kaming kapitbahay dito dahil isang compound ang tinitirhan namin.. may isang malaking bahay, may isang bahay na studio type, isang up and down apartment kung saan ang second floor ay inookupahan namin at ang isa ay two-door apartment na pinag-isa na lang..yung malaking bahay ay inookupahan ng agency para sa mga longka ay swear kay dami-dami nila..sila yung mga constru at maghapon silang nakatambay sa gate at wala na kami halos madaanan, pag dadaaan tuloy ako ay feel na feel ko na ang ganda ganda ko..nako..yung studio type naman ay tinitirhan ng kababayan namin sa nueva ecija kaya no problemo..yun namang sa ibaba namin ay mga muslim na nagjoin sa party list na anak mindanao,keri lang din sila kaso lagi silang nag-iihaw ng mga isda kaya pag nakatambay kami sa terrace namin ay para na rin kaming pinausukan..
pero ang di ko talaga ma-take ay itong bago naming kapitbahay na galing isabela, kung kami ay taga probinsiya,sila ay TAGA PROBINSIYA..all caps tlga haha..sila kasi ang magandang halimbawa kung bakit maliit ang tingin ng mga taga manila sa mga nanggagaling ng lalawigan..potah ang gugulo nila at kay-iingay..para silang mga manok leche..ang bibilis pa nilang magsalita.nung nalaman kong may lilipat ay nag-expect akong may cutie pero wala dahil puro thundercats na mga walang breeding ang nakatira na feeling nila ay sila lang ang tao sa compound..
maaga silang nagigising at animo ay may piging sa tuwing sila ay nag-uusap, di man lang nila naisip na hinaan ang boses dahil may mga natutulog pa silang manilenya neighbors kahit alas-onse ng umaga..akala ba nila ay nasa isabela pa rin sila kaya't madaling araw pa lang ay gising na sila para magbanat ng buto? pakshet sila nyeta..ang ginagawa ko pag umaatake ang kanilang pagkamaingay ay kinukuha ko ang ipod at birit to the max ako ng regine velasquez songs para mas malevelan ko ang kaingayan nila..
haaaay, ibang-iba talaga ang mga kapitbahay dito sa kamaynilaan, di tulad sa probinsiya namin, ang mga kapitbahay namin ay minamahal at itinuturing na halos kapamilya na..pero dito sa manila, nais mo silang sunugin..mga peste...
kamusta naman ang galit ko hindi ba? hmph, maka-syesta na nga..wag lang sana silang mag-ingay please lang..
Wednesday, August 22, 2007
dreams
Tuesday, August 21, 2007
aj's top ten: ang mga bituing maningning sa primetime drama
panalo ang Tita Caring bilang Lola Cruz sa Pinoy version ng Marimar. Hanga ako parati sa acting niya. Bawat pagdeliver niya ng lines ay tagos sa aking puso haha. Maski nung lola days pa niya sa"Bayani" ng ABS CBN ay minahal ko na siya. At ngayon sa Marimar ay kuhang- kuha niya ang aking puso sa mahusay niyang pagganap.
9. MARIAN RIVERA
Wagi ang Marian para sa akin. Di man malevelan ng Pinoy ang original version ng Marimar ay hapi na ako sa pagganap ni Marian. Sexy at maganda si ate tapos ay ang pagiging tanga niya dito ay very effective kaya nakaaaliw siyang panoorin.
8. CONEY REYES
Panalo ang Tiya Coney bilang isang demonyang kontrabida sa Ysabella. Ibang- iba ito sa mga roles na ginagampanan niya tulad ng Nay Margie sa Ang Munting Paraiso. Di ko akalain na game din pala si Tita Coney sa mga ganitong kamalditahan knowing na konserbatib at religious ang drama niya.
7. RYAN AGONCILLO
Magaling ang Ryan. Akala ko ay sa paghohosting at pagmomodelo at pagpapacute lang siya maglelevel ngunit may tinatago pala siyang angking talento sa pag-arte. Higit pa sa kanyang angking kagwapuhan ay ang husay niyang pagganap sa mga papel na ibinibigay sa kanya. Para sa akin ay natural na natural ang pag-arte niya sa Ysabella bilang Andrew/Albert
6. DEREK RAMSEY
Isa pang bagong discover sa actingan ay itong si Papa Derek, ay ang galing niya sa MMK noong Friday opposite Alex de Rossi. Panalo ang kakisigan ni Derek isama pa ang angknig talento sa pag-arte ay panalo na. Bilang ka-loveteam ni Juday sa Ysabella ay patok na patok para sa akin si Derek.
5. ZANJOE MARRUDO
Nakakatuwa itong si Zanjoe Marrudo bilang Abie na isang Kapampangan sa Kokey. Funny yet di pa din nawawala ang kanyang pagiging cutie at ang bait pa ng role niya dun kaya lalo akong humahanga. In fairness sa acting ni kuya may development kaya pasok siya sa list ko.
4. JUDY ANN SANTOS
Ang Ate Juday never fails me talaga ah..Winner ang pag-acting niya sa Ysabella at kaylaki na talaga nang transfromation niya since her Mara Clara days ah. Kayhusay talgang umarte ni ate.
3. GINA PAREƱO
Si Mother Gina patuloy ang pag-ariba at pagkinang sa showbiz. isa siya pinakamagaling na aktres para sa akin. very versatile ni ate at lahat ng roles na gampanan ay kering-keri. mapa-drama o comedy ay win siya. Very superb performances talaga ang ibinibigay ni Tiya lalo na sa MMK "Baliw" episode ay kakaiyak yun. Dito sa Ysabella bilang tiyahin ni Juday ay patok na patok siya.
2. EUGENE DOMINGO
Ay wala nang tatalo sa kagalingan ni Ate Uge pagdating sa pagpapatawa ay panalo talaga si ate wala akong masabi..Super favorite ko si ate dahil sa talaga namang standing ovation niyang mga performances.. iba talaga ang powers nitong si ate kaya lahat ay napapasaya niya at kaygaling talaga niya bilang Charisse sa Kokey, ang malditang Kapampangang kapitbahay ni Ruffa.
1. JODI SANTAMARIA
At ang number one sa list ko ay walang iba kundi itong si Jodi dahil sa husay sa pagganap bilang baliw at maldtiang si Cynthia sa Walang Kapalit.. Para sa akin ay naungusan niya si Claudine dito kasi gaga siya dito angh usay panalo talaga..kaya Bravo, Jodi!
Ayan ang aking top ten list ng mga bituing patuloy ang pagkinang sa larangan ng showbiz..
Sunday, August 19, 2007
mother, mother i am sick call the doctor very quick
nagising ako kasi kahapon dahil si tita edith ko(na kahit magsimba ay naka-pekpek shorts) na kausap si mudang sa telefon..kahit pa puyat ako from a poetry and coffee night ay bumalikwas ako ng kama dahil syempre ganun ako lagi ka-excited kapag tumatawag si mudrax..ganun ako nangungulila sa isang ina..so nag-usap kami at tinatanong niya kung ano ang gusto kong ipadala niya..sabi ko "wala akong maisip," tapos parang sa isip ko"umuwi ka na lang" haha..naalala ko tuloy yung eksena sa anak na kausap ni ate vi sa phone ang batang claudine na ginampanan ni hazel ann mendoza at nagmaldita yung batang claudine..syempre wit ko naman magmaldita kay mother..sabi ko bilhan na lang niya ako ng bath and body works..di daw niya knows yun..sabi ko mga body mist kasi nakiki-share lang ako ng lewis and pearl sa pinsan ko..ay nako,di daw kasi uso ang mga tulad ng victoria's secret dun kaya pabango na lang daw bibilhin niya sakin..ay no mother dear, ayoko ng pabango baka mamaya ay dakar at giovan musk pa bilhin niya..tapos nauwi sa mailman bag na lang ang bibilhin niya edi sabi ko sige yun na lang..ripcurl daw kaya keri lang nman,yun kasing binili niyang backpack na quiksilver ay uber laki na tuwing dala ko sa uste ay mukha akong mamumundok at aakyatin ang mount makiling..humirit pa si mother, ayaw ko daw ba ng mga shirts, ay no mother wag na,gudluck sa mga binibili niyang damit sa akin kaylalaki, baka kasi akala niya ay hiphop ang anak niya kamusta naman..so ayun kwentuhan lang sa kung anu-ano..parating ganun tungkol sa mga latest movies o australia's next top model o american idol o national geographic..wala man lang anak kamusta na ba ang lovelife mo, o anak namimiss na kita siguro ang laki laki mo na..haaayyy..
isang taon pa lang kasi ako ng iniwan ni mudang at nagtungo ng land down under dahil sa kasamaang palad ay maagang namatay si pudang dahil sa leukemia..so si mudang no choice kundi mag-abroad at mag DH sa aussie kasi kundi mamamatay kami sa gutom..so iniwan ako sa piling ng aking pitong tiyahin at lolo at lola..o di ba,panung di ako magiging shukling eh pito ang nakapaligid sa aking bilat..dahil din sa kanila ay "ate" ang tawag ko kay "mama" ever since the world began..nasanay na tuloy akong ganun..ayun nga sulat sulat si mudang at nagpapadala kami ng larawan sa australia, yung tipong may sulat sa likod na "o tignan mo ang tanim nating palay, malapit nang anihin.ayan si ging-ging oh, kaylaki na"..umasenso naman kami at nakapagpagawa ng bahay si lola at nakatikim kami ng bahay na gawa sa hollow blocks..tuwang-tuwa ang mga tiyahin kong lukaret dahil may maayos na kaming bahay..sa tulong din ni mudang ay nakapag-aral sila at nakapagtapos..
lumipas ang ilang taon, ay nakabingwit si inay ng aussie guy at ang ending ay kasalan at isang supling na kasingganda ko..ang finale ay aussie citizen na si mudang at turista na lamang siya sa bansang pilipinas..umuuwi siya every three years at sandaling panahon ko lang siya nakakapiling..nakakalungkot lang at never ko talaga ma-feel ang true presence ni mother,parating may hiya factor tuwing magkasama kami..di kami close at yun sana ang gusto kong mangyari..pero ewan..she tries naman yun tuwing uuwi siya dito at nakikita ko naman ang effort niya..pero syempre may selos factor ako sa sisterette ko dahil syempre kay mudang siya lumaki kaya she has all the attention..ang taray pa nila mag-usap "mom, gimme some watah" "reyna, dats enuf, come ovah hih" mga ganun sushalan kainis..
inalok ako nuon ni mother kung feel ko daw ba sa aussie magkolehiyo, pero mas pinili ko dito sa pinas dahil mamimiss ko ang friends ko at syempre ang mga tiyahin kong nagpalaki sa akin at ang lolo't lola ko..dun kas, si mother,sisterrette at daddy long-legs lang ang makakpiling ko..so parang mas madami akong maiiwan dito..di ko pa yata kering iwan ang mga mahal ko dito sa pinas..so ngayong graduating na ako at may special offer si mudra na duon na ako magtrabaho sa aussie ay napapa-isip ako..syempre magandang kapalaran ang nag-iintay sa akin dun at saka makakapiling ko na si mudang ng panghabambuhay..pero ayokong malayo sa bansang aking sinilangan..alam ko kasing may pag-asa ang pilipinas at gusto kong dito magtagumpay..pero naiisip ko din na dun sa aussie kapag kumita na ako ng malaki, mas matutulungan ko ang lolo't lola ko mapaayos ang tahanan namin sa nueva ecija, mapag-aaral ko ang mga pinsan ko at maaambunan ko ang mga hikaos kong kapitbahay..isa pa,wala na akong iintindihin pa sa aussie dahil walang bills to pay, food to buy, room to rent dahil sagot lahat ni mother yun..dito mauubos ang sweldo ko nun sa mga bayarin pa lang..buti sana kung makahanap ako ng maayos na trabaho..eh syempre gusto ko naman yung may kinalaman sa course kong advertising..pangarap ko kasing maging copywriter o visual merchandiser o kahit anong posisyon sa ad agency..pero sa daming magagaling kong kaklase at sa tindi ng kumpetisyon sa pagahahanap ng trabaho ay parang natetempt na rin akong umalis..isa pa. baka sa aussie ko na din mahanap ang future boylet ko..ahaha..haaay konting panahon na lang ang natitira..think think think..
to be an aussie gurl or remain a filipina beauty? haaayy ewan..