Monday, April 28, 2008

working gurl

pagod ako..hayy kasi naman mga ateh, may work na ako..jusmiyo, after gradweyshon kayod agad ako..hala, para bang naiinis pa ko at may work na ako hano?..hindi naman, thankful nga dahil at least may work na akei..aba ayoko na ngang magpatumpik tumpik pa eh noh..nakakapanibago lang..jusme, ganire pala kapag working gurl ka na ala dina bonnevie..

yun nga, isa akong marketing project officer for converse shoes and apparel..nakakaloka all around ang drama pero keri lang..ala anne hathaway ako pero nagmamaganda talaga ako, at saka wala namang miranda priestly ako na boss haha..so yun nga, minsan photographer ako, graphic artist, visual merchandiser, taga inventory ng materials, taga coordinate sa mga sponsorhip deals, delivery girl, writer ng mga press releases, taga check ng mga creative designs, taga receive ng requests at taga attend ng mga events at kung anu-ano pa..so far, keri naman haha..at saka gusto ko talaga sa marketing kesa sa creatives or maging graphic artist kaya kahit pano natupad naman pangarap ko haha

so yun nga, minsan naiisip ko, ang aga ko naman yatang nagwork samantalang yung iba nagpapahinga pa..eh well, naisip ko lahat naman sa work din pupunta kesa naman maging bum ako di ba? at saka nandito na yung opportunity eh, edi go na..ayoko na rin naman maging choosy noh..at saka kung di ako tatagal dito sa work kong ito, edi magresign, pwede pa maghanap ng iba soon, at least may experience na davah?..eh yun nga, so far, keri pa naman ako, relax lang at saka nag eenjoy kahit papano..yun nga lang, pagod talaga ang drama na tuwing uuwi ako sa bahay, gusto ko na lang matulog para bukas papasok na naman..eh well, ganun talaga, halos lahat naman siguro gusto magtrabaho noh..at saka habang maaga go lang, hanggat kaya pa ng katawan..sa panahon ngayon bawal ang tamad..ayoko naman na forever akong umaasa sa mudra ko..haha..

eto na mga bakla, eto na talaga ang hamon ng totoong buhay..ito na ang reality at kaiangang pagbutihan dahil bawal nang sumuko dahil dito naksalalay ang aknigkinabukasan..may ganun? wahaha..

Tuesday, April 15, 2008

glendina


ayan si glendina..baklang bakla si bakla hano? naalala ko lang siya..eh panu ba naman kasi siya na yata ang papalit sakin sa amnig barrio bilang prinsesa ng kaingin..marami ngang nagsasabi sa amin na siya na nga nagmana ng korona ko dahil ako na ang reyna..at saka naging sushal na kasi ako hahaha
itong si bakla, ang kaibahan lang namin eh super malandi talaga siya.nakakaloka kasi sa edad niyang iyan, sweet sixteen, eh nagpapanty na siya, nag-aahit ng kilay, nagpepepekpek shorts, pumapasok ng naka-make-up..lahat ng iyon hindi ko mga nagawa..at ang nakakabiglang kaibahan namin ay late bloomer siya sa chorvahan, dahil ang first ever sexperience niya ay last march 27 lang..at simpleng bj lang naganap..haha..poor glendina, ako kahit di malandi look ko nuon eh kay-aga kong namulat sa mga kyemehang makamundo hahaha..kinikilig nga ang bakla at sa mismong parlor ng guro niya naganap ang milagro with his ultimate crush na klasmeyt niya..the next day, pumunta ko dun sa parlor para maghanap ng boyssss haha..nabigo ako..kamusta yung guro, pwedeng idemanda talaga ng molestiya dahil talagang humahada siya ng mga istudents hahahaha
dahil nga naipasa ko na sa kanya ang korona, siya na ngayon ang tumatayong mentor ng mga bagets na bilat sa amin, siya na ang nagtuturo ng mga choreography at fashion ethics haha..oo may ganun sa aming munting purok..dati ako ang parating host ng mga beauty contests sa aming purok, ngayon siya naman ang umaariba..
masayang kasama si glendina, super daldal at tsismosa at yung tipong maloloka ka talaga sa mga lumalabas sa bibig niya, walang preno haha..namimiss ko na nga si bakla, sabi ko pa naman dadalhin ko siya dito sa maynila at ipapasyal, kasi naman duh, sa amin wala man lang siyang ma-sight na boylets na gwapo talaga..eh pero dahil medyo busy na ako, di ko iyon magawa..busy na din yata si bakla dahil may bago siyang manicure kit na padala ng lola niya from hong kong..
naku, sana lang ay magtagumpay si bakla sa hanagarin niya at maging sosyal din tulad ko hahaha..kering keri naman niya por shur..o siya babu na..

Friday, April 4, 2008

helloooo!!!! graduate ako

ang taray..hindi na aketch student..harharhar..


kagabi, sa wakas ay natupad na ang pangarap kong makagradweyt..nagdrama pa akong ayaw kong umattend kasi si mudang haha..eh ang saya pala ng feelnig kapag andun ka na tapos tumutugtog yung march haha..panalo..ang saya..di man ako nakareceive ng award, at least natagpos ko ang kolehiyo ng matagumpay..aba aba, di rin biro ang college noh! at may mga di rin pinalad na makagradweyt kaya achievement itetz mga misis


at eto pa, lalong sumaya dahil andun sina mudang at sisterette everlou!

o di ba't kaysaya saya namin? hahaha..ang taray niyang si mudang siya pa nagplantsa ng isusuot kong long sleeves at vest..nag eeffort haha..at nako, muntik pang masira ang carumba nang papunta kami sa venue tsaka ang trapik trapik pa..pagkatapos ay kumain kami sa mall of asia with my aunts at ang pinsan kong si kuykuy..well, masaya talaga..

basta masaya haha..ngayon, welcome to the real world na nga daw..atin na lang abangan ang susunod pang kabanata..geez, im so excited!