Friday, May 23, 2008

kaytagal

waaaahhhh..anuveh, kaytagal ko yatang nawala..busy ang lola niyo eh..alam mo na sa work tapos pag yung mga frends nagyayaya lumabas..nakakatuwa nga na marami rin akong set of frends..ang nakakaloka lang ay kapag nagstart na silang mag-aya..so many friends, so little time

eto pa nga ang isang ikinaloloka ko, habang busy ako sa work eh biglang boom, two weeks na akong nakikipagdate..i mean, ang paranoid ko kasi anoh? andami kong iniisip..ako na yata ang pinakaparanoid na tao sa buong pilipinas..eh kasi naman i overthink and overanalyze things too much..di na yata healthy eh..

ganito kasi, bago ko siya makilala, tahimik ang buhay ko..trabaho tapos bahay na..tulog then kinabukasan trabahong muli..ganun lang ka-simple..pero naging challenging nung nakilala ko siya..okey lang naman, dont get me wrong, masaya ako as in super saya kapag kasama ko siya..at di ko siya matiis..alam mo yun na excited ako parati tuwing aalis kami or tambay lang sa opis niya..

kaso ang iniisip ko, handa na ba talaga ako? kaya ko ba? kakayanin ko naman, kaso ayoko lang masaktan sa huli kasi ako im willing to give my all ala mariah carey..di ko ineexpect na mangyari toh, biglaan lang pero i got hooked..iba kasi ako pag sa mga ganitong chorvah..the last time i felt this, 2nd year college pa ko..when i fell for a straight close friend..halos tatlong taon kong naramdaman ang pagkaparanoid..ngayon eto na namang muli..iba kasi, iba sa mga nakilala ko dyan sa tabi tabi na well, ang habol lang namin sa isa't isa ay uhm, sex..

andami kong iniisip, pero sabi nga nila enjoy the moment na lang daw, kung kami ay para sa isa't isa talaga, darating din yun..eh dapat nga di ako mag-isip ng future kasi baka maiba ang mangyari sa ineexpect ko..ewan ko ba, sa ibang mga bagay positive ako, pero pag sa ganitong situation, nako, lahat na yata ng negative naisip ko..basta sa ngayon, masaya ako, masaya na may kaakibat ng pagiging paranoid..kakalokah!