Friday, November 23, 2007

thesis it!

oh well, busy-busyhan ang lola nyo dahil nga kinakarir ang thesis chuvaness..kakaloka kasi solo flight talaga kami na para bang isa kaming buong kumpanya na lahat ay kami ang gagawa..so far, kahit medyo pressured, enjoy naman ako..kaso nga lang di ko talaga feel ang execution, di ko talaga pinangarap na maging graphic artist, although nakakagawa naman ako ng maayos, di ko lang tlga ito gustong karirin..eh mas gusto ko kasi ang conceptualizing plus marketing kaya naiinis ako pag puro revisions ang logo at designs eklavu..

at dahil nga ginagawa ko ng nakangiti ang thesis ko ala lea salonga, ay okey pa naman ako..aba dapat lang na enjoy ka itong gawin para di ka pressured at di ka ma-paranoid..saka na lang ako magpaparanoid kapag endorsement at deliberation na..

pero para mas enjoy sa paggawa ng thesis, narito ang ilang mga dapat gawin para mas maging makabuluhan ang paggawa ng thesis..

1.sleepovers..ay nako, hobby ko na ang magsleepover sa kabahayan ng mga friendiva ko..una, kina itlog kung saan ay para na kaming boarders..pangalawa ay kina jemma at balak pa naming tumira dun next week para mas bongga..in fairness naman ay mas nakakagawa kami kapag magkakasama, mas ganado at mas nagtutulungan pa kami..lalo pa't mga di natutulog ang mga kasama ko kaya walang habas ang aming paggawa..

2.be resourceful..aba dapat resourceful ka talaga, dapat marami ka ring friends para more more tulungan galore, pero wag dapat maging makapal ang mukha ng sobra..yung tama lang..kung kulang sa budget, well matutong magtiis, maraming paraan dyan..at dahil nadukutan ako ng usb at ayokong bumili ay dapat ay isave sa email ang mga files para may kopya ka kapag nabengga pc mo..o isave mo sa usb ng friend mo..mga ganung eksena ay nagagawan ng paraan..kung walang pambili ng ink, mag-isip ng paraan..tulad ko, nanghihina na ink ng printer namin kaya imbes na black, gawing red ang fonts, mas colorful pa divah? iprint ito sa scented paper ala elle woods para mas matuwa ang adviser..

3.magtanong sa expert..wag nang mahiya, kapalan ang mukha at magtawag sa mga opisina ng mga experto..at dahil nga ang tiya ko ay may friend na nagwowork sa ad agency ay may access ako at walang habas akong sumusugod sa opisina sa makati para magtanung-tanong sa mga empleyado doon na may kinalaman sa media planning, events planning at marketing, promotions at advertising..kapag naroon ako sa opisina nila sa philam tower sa makateeee, ay nako ang saya ng feeling, ewan ko ba,basta nasabi ko sa sarili ko na one day, magiging makati girl din ako..

4.maglakbay..pumunta sa mga lugar na may kinalaman sa thesis mo para na ring two in one drama kasi nagreresearch ka na, rumarampa ka pa..tulad nang pagpunta namin sa mall of asia para occular inspection chuvaness at sa ccp para tignan ang description ng place..pati na rin ang interbyu ko kay joey ayala habang tumutugtog siya sa conspiracy garden..basta, dapat ay prepared ang mga paa mo sa lakaran at magdala ng maraming anda para sa food at more more pamasahe galore..

5.gumawa ng list at time management..dapat may checklist ka para di ka nalilitong gawin ang mga dapat gawin..pati ang time management..dapat may goal ka rin para mas ganado kang gawin..in fairness naman to me, may sked ako sa mga dapat gawin kahit paisa-isa..kung di pa magawa ang ibang dapat gawin, gawin muna ang ibang part..mas fulfilling kapag may nagagawa ka kahit konti lamang..

6.find ways to entertain yourself..di dapat evryday ay thesis ang iniisip mo..although, di yun maiiwasan na isipin dapt mga kahit ilang oras lang ay may time ka to relax para di ka naman maloka..like last night, my tita and i went to zirkoh for some booze galore and laugh trip..pati dapat watch ka din ng movies..finally napanood ko na din ang chocolat at next ko na ang babel at little miss sunshine..mas maiinspire ka at mas gaganahan ka kasi pag happy yung thoughts at magaan yung feeling mo.

7.resist temptation..ay nako, mahirap yan pero dapat ay wag munang magkeme o mamboys o kung anuman para di makagulo sa isipan ang kung anu-ano at maka-focus ka sa iyong ginagawa..tamang pakikipaglandian lang muna siguro..

8.be positive..dapat talaga ay lagi kang positibo..iwanan muna ang problemang pampamilya at wag papaapekto dito..wag munag isipin ang lablayp at wag munang isipin kung bakit wala ka paring boylet ngayon..may panahon para diyan,makakgulo lang sa iyo yan..isipin mong kaya mo ang lahat at isiping magagawa mo ng matagumpay ang iyong thesis..wag itong masyadong isipin para di ka stressed o masiraan ng bait at sabihin sa sarili mong "kaya ko ito".

9.magtiyaga at huwag selfish..syempre kailangan ang pagiging matiyaga noh, bawal ang tatamad-tamad at habang may oras ay gumawa kesa nakatengga ka lang diyan..dapat din naman ay may time ka rin para sa ibang subjects baka kasi mapabayaan mo na ito, di ka rin makakagradweyt pag nangyari yun.kaya tiyaga lang sa lahat ng mga asignatura..sabi ko nga, tamang time management lang..at oops, syempre huwag maging selfish, yung tipong kapag may alam ka, ishare mo sa iba, hindi yung sasarilihin mo lang para bumagsak yung iba.isipin ang kapakanan ng iba mong friends at klasmeyts..magpahiram ng references at materials kung kailangan..baka kasi sa sobrang selfish mo, makarma ka..we dont want that to happen di ba? so magtulungan para sa ikauunlad ng bayan..

10.have faith in Him..ito yung pinaka-importante sa lahat..two weeks na kaming nagsisimba ni jemma sa st jude every saturday at nag-aalay ng kandila at gagawin namin iyon hanggang matapos ang thesis..sabi kasi nakaka-help daw talaga yung pagsisimba duon..pero syempre dapat gawin mo rin yung part mo, di yung nagdadasal ka nga, e wala ka namang ginagawa di ba? do your best para naman di nakakahiya kay lord..ayun basta dapat malaksa ang faith mo kay God..the best siya

o ayan ang ilan sa mga ginagawa kong paraan kaya sana naman magbunga ito..pray din kayo for me ah and i'll pray for your happiness..ciao..mwah!

Friday, November 16, 2007

kalungkutan

pagkatapos ng masayang post ko ay eto naman ang isang kalungkutan mode..kahapon kasi ay na-sad talaga ako dahil nagbenggahan at awayan ang dalawa kong tiyahin..hate na hate ko pa naman yung may nag-aaway as in, sana di ko na lang narinig yung mga awayan galore nila..dahil sa pera, saan pa?..hayy oo nga naman, ang pera talaga noh? kakainis..

kakatamad pa naman ng panahon kahapon, umuulan at kaysarap lang talagang humilata sa kama..at dahil nga nangyari ang di inaasahang tagpo, wala akong ibang ninais gawin kundi umalis ng bahay kaya text ako agad kay jaymar at tinanong kung nasan siya..sabi ni ate ay nasa tomas morato daw siya kapiling ang ilang AA peeps..sabi ko go ako..tinext ko rin si itlog at sinabing duon muna ako matutulog sa kanila..pumayag naman si ateh..

so yun nga kahit umuulan, gora ako sa seattle's best kung saan nandun sina jaymar,xi,mingu,marianne,fhadz,marky at jaimee..kwentuhan pero more on games chorva..super ingay kasi exciting ng mga memory games chuva..kahit paano ay nawala ang kalungkutan ko..may dala akong backpack kaya sabi ko naglayas ako pero may paalam..sabi ko ayoko lang muna sa bahay..gusto ko kasi laging masaya at may peace of mind kaya ayoko muna sanang ma-witness pa yung mga pangyayari ..matatanda na ang mga tiyahin ko kaya dapat alam na nila yung tama at mali..hindi dahil sa ayoko silang tulungan pero nakakasawa na yung parati na lang may awkward moments sa bahay..

mga alas siyete ng makarating ako kina itlog,nanood sila ng one more chance ni meh kaya may pasalubong silang chef d angelo pizza sakin plus bibingka from manong tindero sa tondo..ayun kwentuhan about the away galore sa bahay..nasabi ko tuloy na gusto ko pag may trabaho na ako ay maging independent na ako para naman wala nang maging conflict kung makiki-share pa ko ng apartment sa kanila..gusto ko nga magrent ng apartment kasama si jaymar..nalulungkot kasi ako na kasama ko nga sila sa bahay pero andami namang mga awayan at tampuhang nagaganap..

nanood kami ng mga teleserye at pbb at happy mode naman ako, sabi ko "parang di ako malungkot ah",..ganun kasi ako..masayahin pa rin..wala rin naman kasing mangyayari kung mag-sulk lang ako the whole time..talagang super affected lang ako sa mga nangyayari pagdating sa pamilya ko..

ala-una na pero gising pa rin kami ni itlog..habang gumagawa ng thesis with all the SWOT analysis and marketing mix ay napag-usapan namin ni itlog ang problema ko na madalas rin naman niyang problemahin pagdating sa pamilya niya..napansin namin na bakit ganun yung mga tao sa paligid namin, na parang selfish kasi kapag nag-aaway sila, di nila naiisip na mas naaapektuhan yung mga tao sa paligid nila, yung mga taong concerned at worried sa mga nangyayari..sabi ni itlog na ipagdasal ko na lang daw, na yun din naman ang madalas kong ginagawa na very effective naman talaga..sa family kasi namin, kapag may conflicts, ako yung laging namomoblema, yung tipong nag-iisip kung bakit nangyari yon..kung bakit nila nasabi yun sa isa't isa..kahit mali sila, di ko naman sila pwedeng mapagsabihan kaya ipinagdarasal ko na lang na sana marealize nila yung mga kamalian nila..nasabi ko kay itlog lahat ng mga hinaing ko sa family ko..ang akala kasi ng iba wala kaming problema, pero ang nakakalungkot kasi ay yung problema ay sila-sila nag-aaway..tipong sa kanila din nagmumula yung mga problema..

pagkatapos ng aming pag-uusap ni itlog ay nahiga na kami, nagdasal ako at na-feel ko yung pagkagaan ng loob..

kanina, sad pa rin ako, ayoko pa talagang umuwi pero kasi darating yung tatay ni itlog kaya no choice, niyayaya ako ni jemma sa kanila matulog pero sabi ko wag na dahil hassle para sa kanya..nagkita kami ni jaymar accidentally sa library at sumama ako sa kanya sa rehearsals ng org niya..dumating din si judee at nakapagshare ako ng nangyari sa bahay..inabot na ako ng gabi sa ust dahil ayoko ngang umuwi pa sa bahay..sabay kami umuwi ni jaymar..

ngayon andito na ko sa bahay..parang wala namang tensyon na nangyayari pero mga cold treatment naman ang mga susunod na eksena dito..pero umaasa ako na matatapos din ito at magiging okey ang lahat,..challenge ni god to at everything happens for a reason naman..ang gusto ko lang naman kasi ay yung maayos at masaya ang pamilya ko palagi..

Tuesday, November 13, 2007

happy childhood

shet ang tanda ko na pala..nakakainis at beinte anyos na ako..iba na yung mga ginagawa ko sa mga dati kong ginagawa..mas seryoso na rin pati mga topic at pag-uusap namin ng mga kaibigan ko..madalas malalim..samantalang nung hayskul ay nabubuhay kami sa mga teenybopper moments namin yung meron pang codename sa mga crush and all..puro kalandian lang..ngayon puro future na yun tipong "oi ano kaya magiging trabaho natin? haaay..di tulad nung bata pa ko, walang masyadong iniisip..di ko na rin naman prinoblema yung pagiging bakla ko dahil dedmalaysia naman ang family kung anong sekswalidad ko at tanggap nil ng buong puso't kaluluwa.

ang sarap gunitain noong kabataan at musmos pa lamang tayo ano? basta ako, masasabi kong happy ang childhood ko..yung tipong malaya akong maging masaya at ma-explore ang mga bagay-bagay at damhin ang mga imahinasyon at pangarap na binubuo ng aking pagiging bata.

noong bata ako,madalas akong mapalo ng tiyahin ko, sabi matigas daw ulo ko, porke mahilig lang akong maglaro sa bukirin at ng mga takbuhang laro, nagagalit na..tamad din kasi akong maligo noon..maski ngayon..chos!..masaya noon sa barangay namin,tiyak ko kaiingggitan kami ng mga mayayamang bata na takot ang mga ina na makipaglaro sa mga batang lansangan kaya ikinukulong ang mga anak nila sa bahay..well, wala naman kasing ganun samin..sa mga tv lang meron nun,sa hirayamanawari o wansapanatyam..

ang mga kalaro ko ay madudungis pero mahal ko sila..iba yung mga amoy pramis..at ang mga kasuotan nila ay kahindik-hindik..pero sabi ko nga mahal ko sila ah..sa aming mga magkakalaro ay ako lamang ang nakapag-aral sa praybeyt katolik iskul..mayaman kasi kami eh..chos! samantalang sila sa public lang, pero kinainggitan ko iyon ah,kasi naman sila tuwing papasok ay sabay-sabay dumadaan sa pilapil..may mga times na pumupunta ako sa skul nila para makipaglaro..

yung mga usong laro noon sa amin ay yun tipong pampalaksan tulad ng piko, patintero, taguan, luksong baka at kung anu-ano pang nakamamatay na laro..kahit bakla ako ay di ako lampa at naaakyat ko ang mga matatayog na puno ng mangga pati ang puno ng sampalok at bayabas..at dahil ako rin ang pinakamatalino sa kanila hahaha, ay ako rin ang parating titser sa larong titser-titseran..pagdating naman sa bahay-bahayan ay parating kaibigan lang ang role ko..wala naman kasi akong crush na kapitbahay ko kaya ayokong maging nanay..

madalas rin kaming maglaro noon sa kabukiran ng kung anu-anong maruruming laro..nanghuhuli ng kamaro, namimingwit ng palaka, naglalaro sa putikan, naliligo sa sapa, nangunugha ng tulya sa ilog..kadiri anoh? pero masaya..

tuwing hapon naman ay sabay-sabay kaming manonood ng mga cartoons sa telebisyon ng kapitbahay..uso noon ang princess sarah, tom sawyer, peter pan at dragon ball z..pagkatapos ay maglalaro ng jumping rope o sipa bola o taya-tayaan sa may damuhan pati na langit lupa..

nakakamiss ang pagiging bata..habang tumatanda ka kasi ay nadadagdagan ang mga responsibilidad mo at di mo naman ito pwedeng balewalain o dedmahin dahil dito nakasalalay ang iyong kinabukasan..

Wednesday, November 7, 2007

aj's top 10: UNTM: ust's next top model (tagged by mrs j)

dahil wala ako maisulat na mga boylets ko sa barrio ko na suhestiyon ni misis j, eh ito na lamang ang aking naisip..ang ust's next top model..taray haha..inspired by ate tyra's antm eh namili ako ng top ten creative pix at ta-ran eto sila..sampung creative people na pwede ring maging model-modelan kaya levelan sila ahaha..
1.Sainah Benz Alonzo (photo by:Benz Alonzo, styling : Benz Alonzo)- mataray itong si benz dahil super galing niya mag-edit and all..multi-tasking si ateh at sa mga pag-eeksperimento niya sa mga larawan ay winner siya..multi-tasking kung baga dahil siya na ang photographer, stylist, model at nag-eedit..dahil sa pagkahilig sa potograpi ay ito ang napili niyang topic sa thesis tungkol sa mga may ADHD..challenging kaya sana ay magtagumpay si ateh
2.Argel Joseph Sotto (photo by: Sheryl Apaga, styling: Em Rejano)- mahilig si bakla (aka yours truly) na magposing at feeling niya talaga ay model na model sya..mahilig sumali sa mga art contest di dahil gusto niya kundi required ng mga propesor..pangarap niyang maging fashion stylist at copywriter someday..


3. Mary Ann Sy (photo by: Sheryl Apaga, styling: Benz Alonzo)- si meh ay uber OC pagdating sa potograpi, pero ang mga gawa niya naman ay astig and cool..finalist siya sa katatapos lang na "Shell Digital Art Contest" kung saan pinagcombined niya ang potograpi, art of photoshop at katawan ng boypren niya


4. Jaymar Castro aka KalansayCollector (photo by: Jhey Dela Cruz, styling: Jhey Dela Cruz)- ang isang baklang ito na ala-Furonda ang byuti ay talentado sa pagsusulat at pag-arte sa teatro kugn saan ay myembro siya ng Artistang Artlets..nanalo na rin siya ng karangalang banggit sa Gawad Ustetika noong 2006.

5. Jason Dela Cruz aka Mrs J (photo by :Jaymar Castro, styling: Jhey Dela Cruz)- kung PR ang labanan ay kabog kayo ng ate niyo, pati na rin sa aktingan sa teatro at sa pagmamake-up at pag-organize sa mga events ng skul ay panalo si ateng..malakas sa masa dahil sa kanyang charm appeal..taray ni ateh..


6. Cara Gonzalez (photo by: Em Rejano, styling :Em Rejano)- once ko pa lang naging klasmeyt si Cara, sa aming ad production class although di kami close ay nice naman siya..model-modelan din ang drama ng ate niyo at recently ay nak-feature sa fashion spread sa Chalk magazine.
Em Rejano and Cara Gonzalez (photo by :Sheryl Apaga)

7. Mirma Olympia Rejano( photo by : Em Rejano, styling; Em Rejano)- oha, name pa lang panalo na haha..uber talented itong si ateh..sa pag-eedit pa lang ng mga larawan winner na, pati sa painting and modeling bihasa si ateh..nanalo siya ng poster design contest noong 2006 para sa Robinsons dahil sa kanyang fabulous work.
8. Sarah Demetria Gaugler (photo by: Sheryl Apaga, styling: Em Rejano)- may lahing german si ateh sarah kaya medyo inglisera si ateh pero friendly naman siya..si ateh ang nagdesign ng 2nd album ng Orange and Lemons at lumalabas din siya sa mga MTV tulad ng Lando, among others..
Em Rejano and Sarah Gaugler (photo by: Benz Alonzo)
9. and 10.Mary Agnes Austriaco and Mithi Winona Lacaba(photo by: Wendyll Chan, styling: Agnes Ausrtiaco)- pretty itong si Agnes at akala ng iba ay suplada siya pero nice naman..model-modelan din ang drama niya..officer siya ng Advertising Org sa skul namin..Si Mithi naman ay isang Pinay byuti..pangalan pa lang pinay na pinay na..mahilig sa potograpiya at fashion si ateh at ang kanyang napiling thesis ay ang mga Badjao ng Sulu at Tawi-tawi in photography category, kaya goodluck sa kanya


so ayan na ang aking own version ng ust's next top model..wahaha..misis j, pasensya na at nakasama pa tayo..ang ganda kasi natin..chos!!

Monday, November 5, 2007

ang pagbabalik ng barriobitch

ang tagal kong nawala..ako ay naloka sa aming barrio..halos nagkulong lamang ako sa bahay dahil minsan umaatake ang pagka-moody ko dahil sinech ba naman ang kakausapin ko na makakarelate sa mga kwento ko at sa lifestyle ko?

nakakaloka dahil napakakunserbatibo ng mga tao duon..pinakita ko ang aking mga larawan sa neighbor ko at bakit daw ganun mga posing ko? di ba nila inisip na iyon ay "art op potograpi"?

minsan ay naglakbay kami ng tiyo ko sa isang liblib na barangay upang bumili ng kambing, sumama ako para maghanap ng boylets pero nabigo ako dahil zero talaga..at lahat ng mga tao duon ay talagang nakatingin sakin, di ko alam kung nagagandahan sila o naloloka sa kulay green koNg bangs.

di na rin ako sumama sa sementeryo dahil masasayang lang ang pagpapansin ko dun..por shur marami namang mga nakasuot ng fake na chanel, mango at roxy shirts and blouses duon plus peyk havaianas..kahit naman mag-effort ako ay dedma lang..wala pang boylets dun..

minsan naman ay nagtanong ako sa kapitbahay ko ng "may kilala ka bang boylet?" aba ang sagot ba naman sakin ay "may pera ka ba?" potah ha,ganun ba tingin nila sa mga bakla na kailangan magbayad para lang magkaboylet

eto namang isa kong neighbor sabi sakin "galing kang manila tapos nakashorts at tsinelas ka lang?"..naloka ako dahil dapat bang pumorma tuwing uuwi ng probinsya at excuse me noh, nakahavaianas ako at di hawaianas..pero syempre, di na ko nag-explain kasi di naman nila ma- gegets..

nung bertdey ng lolo ko, naloka lahat ang mga oldies na kamag-anak sakin dahil bakit daw ako nagkaganun? kaloka, paki-explain nga po sakin yung nagkaganun..porke, may kulay lang ang buhok ko aba ang tingin na sakin ay baklang-bakla.."try ko daw manligaw ng babae" nakakalurkey..

minsan nakasuot ako ng graphic design shirt from team manila with text na nakasulat na "tapsilog, longsilog, tocilog, etc" aba, kumento nila ay bakit daw ba ganun mga sinusuot ko..

one time big time naman, habang nakatambay ako sa ilalim ng puno ng mangga, nasambit kong "masakit kasi ngipin ko, kasi kaka-adjust lang ng braces ko" aba sabi ba naman ni nieghbor "bakit kasi di mo muna tanggalin yan, para di ka nasasaktan" at sa tono nang pananalita niya ay parang ako pa yung tanga

nung bertdey ng tiyo ko, nanghingi ako ng red horse at biglang sabi ng kainuman niya "kaya mo ba yan?" hello, di ba pwedeng uminom ang bading at kayo lang bang mga tomador ang nakakainom niyan?"

sabi naman ng aming katulong na taga-baryo din namin "bakit tanghali ka nang nagigising?" naisip ko "bakit bawal ba?"..porke lahat ng mga tao samin ay alas sais pa lang gising na, bawal na ba matulog hanggang alas dose ng tanghali?

ang mga ganyang eksena ang nagpapalungkot sa akin pagdating sa aming baryo..di na lang ako nagsasalita dahil ayoko namang makasakit ng aking mga kababaryo..don't get me wrong pero mahal ko ang aking barrio..nakakainis lang dahil ang dami pa nilang di naiintindihan sa modernong pamumuhay..

nanood na lang ako ng antm at lost at qaf buong sembreak at di ko naman pwedeng ichika sa kanila yun dahil never naman nilang ma-aapreciate yun..

other than dat, okey naman ako dahil nakabonding ko family ko na naiintindihan ang mga keme-kemerlou kong gawain..nagpicturan kami ng mga pinsan ko ala antm, naglaro ng super mario at kinulot ko ang pinsan ko gamit ang tangkay ng madre kakaw..sabay sabay kaming kumakain sa bago naming lamesa at sabay-sabay nanonood ng PBB ..

so now im back here in manila at pasukan na so more more trabaho galore sa thesis at kug anek anek pang mga asignatura..