Friday, May 23, 2008
kaytagal
eto pa nga ang isang ikinaloloka ko, habang busy ako sa work eh biglang boom, two weeks na akong nakikipagdate..i mean, ang paranoid ko kasi anoh? andami kong iniisip..ako na yata ang pinakaparanoid na tao sa buong pilipinas..eh kasi naman i overthink and overanalyze things too much..di na yata healthy eh..
ganito kasi, bago ko siya makilala, tahimik ang buhay ko..trabaho tapos bahay na..tulog then kinabukasan trabahong muli..ganun lang ka-simple..pero naging challenging nung nakilala ko siya..okey lang naman, dont get me wrong, masaya ako as in super saya kapag kasama ko siya..at di ko siya matiis..alam mo yun na excited ako parati tuwing aalis kami or tambay lang sa opis niya..
kaso ang iniisip ko, handa na ba talaga ako? kaya ko ba? kakayanin ko naman, kaso ayoko lang masaktan sa huli kasi ako im willing to give my all ala mariah carey..di ko ineexpect na mangyari toh, biglaan lang pero i got hooked..iba kasi ako pag sa mga ganitong chorvah..the last time i felt this, 2nd year college pa ko..when i fell for a straight close friend..halos tatlong taon kong naramdaman ang pagkaparanoid..ngayon eto na namang muli..iba kasi, iba sa mga nakilala ko dyan sa tabi tabi na well, ang habol lang namin sa isa't isa ay uhm, sex..
andami kong iniisip, pero sabi nga nila enjoy the moment na lang daw, kung kami ay para sa isa't isa talaga, darating din yun..eh dapat nga di ako mag-isip ng future kasi baka maiba ang mangyari sa ineexpect ko..ewan ko ba, sa ibang mga bagay positive ako, pero pag sa ganitong situation, nako, lahat na yata ng negative naisip ko..basta sa ngayon, masaya ako, masaya na may kaakibat ng pagiging paranoid..kakalokah!
Monday, April 28, 2008
working gurl
yun nga, isa akong marketing project officer for converse shoes and apparel..nakakaloka all around ang drama pero keri lang..ala anne hathaway ako pero nagmamaganda talaga ako, at saka wala namang miranda priestly ako na boss haha..so yun nga, minsan photographer ako, graphic artist, visual merchandiser, taga inventory ng materials, taga coordinate sa mga sponsorhip deals, delivery girl, writer ng mga press releases, taga check ng mga creative designs, taga receive ng requests at taga attend ng mga events at kung anu-ano pa..so far, keri naman haha..at saka gusto ko talaga sa marketing kesa sa creatives or maging graphic artist kaya kahit pano natupad naman pangarap ko haha
so yun nga, minsan naiisip ko, ang aga ko naman yatang nagwork samantalang yung iba nagpapahinga pa..eh well, naisip ko lahat naman sa work din pupunta kesa naman maging bum ako di ba? at saka nandito na yung opportunity eh, edi go na..ayoko na rin naman maging choosy noh..at saka kung di ako tatagal dito sa work kong ito, edi magresign, pwede pa maghanap ng iba soon, at least may experience na davah?..eh yun nga, so far, keri pa naman ako, relax lang at saka nag eenjoy kahit papano..yun nga lang, pagod talaga ang drama na tuwing uuwi ako sa bahay, gusto ko na lang matulog para bukas papasok na naman..eh well, ganun talaga, halos lahat naman siguro gusto magtrabaho noh..at saka habang maaga go lang, hanggat kaya pa ng katawan..sa panahon ngayon bawal ang tamad..ayoko naman na forever akong umaasa sa mudra ko..haha..
eto na mga bakla, eto na talaga ang hamon ng totoong buhay..ito na ang reality at kaiangang pagbutihan dahil bawal nang sumuko dahil dito naksalalay ang aknigkinabukasan..may ganun? wahaha..
Tuesday, April 15, 2008
glendina
Friday, April 4, 2008
helloooo!!!! graduate ako
o di ba't kaysaya saya namin? hahaha..ang taray niyang si mudang siya pa nagplantsa ng isusuot kong long sleeves at vest..nag eeffort haha..at nako, muntik pang masira ang carumba nang papunta kami sa venue tsaka ang trapik trapik pa..pagkatapos ay kumain kami sa mall of asia with my aunts at ang pinsan kong si kuykuy..well, masaya talaga..
basta masaya haha..ngayon, welcome to the real world na nga daw..atin na lang abangan ang susunod pang kabanata..geez, im so excited!
Wednesday, March 12, 2008
update lang
si mudang ko, di pa sure kung sa sabado na uuwi dahil yung passport ay iniintay pa..ngayon lang kasi nagpa-renew ang gaga..nakakalungkot lang kasi dahil nun nakaraang taon, ang dahilan ng pag-uwi niya ay para sa graduation ko, para sa 50th anniv nila inang at tatang, para sa pyesta sana samin at para sa mahal na araw, pero ngayon, minamadali siyang umuwi dahil parang sila na lang ang iniintay ng tito enteng ko..hindi ko rin ma-imagine na ang lungkot lungkot naman..never ko pa kasi na-experience sa family na ganito ka-sad..oo marami nang mga sad experience pero ito na yata yung pinakamalungkot..
yung tiya edith ko, kahit 3 months pa lang sa australia, pinilit niyang umuwi para sa tito ko, pagdating niya sa bahay, di niya ineexpect na ganun na kalala yung tito ko..ang hirap pa kasi, bunso yung tito ko, 29 pa lang siya at ganun pa yung nangyari..di kami close masyado pero buong buhay ko, magkasama na kami sa bahay mula probinsiya hanggang dito sa manila..nung bata kami, magkalaro pa kami..
pero, siguro kagustuhan ng Diyos to..wala naman tayong magagawa ganun talaga..biglaan lang kasi..ang hirap lang kasi na ngayon ko lang nakikita na ganito kalumbay yung pamilya ko.nasanay kasi ako na masaya kami palagi kahit may mga problema..di ko talaga ma-imagine na may mawawala na sa isang one big happy family..pero malay natin, may milagro pang gawin si God, wala namang imposible eh..
sana ipagdasal ninyo! salamat!
Friday, March 7, 2008
this is really is it
noong lunes ang huling araw ko sa paaralan bilang estudyante..pero well, yun nga ba ang huli naisip ko? wala pa kasing katiyakan kung keri at pasado na nga ba sa lahat, lalo pa't nangamba ako sa esthetics dahil nilait ko ang exhibit ng manikako sa podium..eh sa totoo namang mukhang mga voodoo dlls ang mga manyika..nangamba din ako sa finals namin dahil kaloka ang mga tanong tulad ng "how was art theory developed in the 19th century?" aba'y malay ketch..
moving on, after nung thesis namin marami pang kyeme tulad ng textile design at composition pati na rin ang animation chorvah sa computer graphix using 3d Max..may mga nabengga sa thesis at may mga di pinalad, pero thank God dahil tagumpay ako..salamat na rin sa support ng aking buong family dahil alam kong pinagdasal nila ko..ayoko rin naman silang biguin dahil kalat na sa buong kabukiran sa baryo namin na magtatapos na ako..andaming mga pangyayaring sleepovers na talagang hassle at nakapapagod..pagpaprint na walang humpay, pagsugod sa starbucks para sa kapeng kaymahal, haggard moments, cramming galore, may kasama pang inuman, swimming, photoshoot at bonding moments on the side sa kabila ng lahat..
kanina, may interbyu ako..yes excited maghanap ng trabaho..try lang naman eh malay mo di ba? eh di ko pa nga sure kung okey na ba at magmamartsa ako..ayos naman yung interbyum pang miss universe tlga mga questions..ewan lang kung tatanggapin ako dahil madami yatang nag-aaply at fresh grad pa lang ako..
after the interbyu sa ortigas go ako sa la salle with natasha at jaymar (aka kalansaycollector), nasabi ni ate jmar na pwede na raw i-view ang grades so since pupunta sya uste, pinatingin ko sa kanya..at habang nasa mrt kami ni ate natasha, nagtext si bakla.nabasa ko na, pasado ako lahat..this is it..eto na talaga..damang dama ko na..

haaayy gagradweyt na ako..dininig ni God ang panalangin ko..dahil bertdey ko din ngayon, happy birthday to me..ang saya-saya kaya dahil sakto kaarawan ko pa nalaman ang magandang balita..ang saya ko pa uuwi si mother si sisterette at si tiya from the land down under..isa na lang hinihiling ko, nawa'y maging masaya ang pamilya ko lalo pa't may sakit si tiyo ko at nawa'y malampasan namin ito..
PS..pyesta sa aming barrio bukas..happy pyesta samin..salamat sa pyesta at makukumpleto kami at makaklimutan ang lahat nang problema..swear, magiging masaya kami..aba, three years din akong di nakauwi sa pyesta sa aming nayon..kaya happy fiesta!
Friday, January 18, 2008
kapagod

jollibee planner..wahaha..panalo..kabog ang starbucks at belle do jour planner..salamt sa jollibee dahil inaayos niya ang buhay ko..winner..very useful siya sakin ngayon dahil kelangan ko na ayusin ang buhay-buhay ko..
bili na din kayo para maayos din ang life niyong makulay..
that's all